Lea Salonga, Assunta de Rossi, other celebs remember Bernardo Bernardo

Veteran movie and stage actor Bernardo Bernardo passed away Thursday morning, March 8.


Lubos na nagdadalamhati ngayon ang industriya sa pagpanaw ng batikang aktor na si Bernardo Bernardo.

Sumakabilang buhay si Bernardo kaninang umaga, March 8, ayon sa pamangkin niyang si Susan Vecina Santos.

Hindi nabanggit ang naging dahilan ng pagpanaw ng aktor. Pero bago ito ay nabalita na may natuklasang tumor sa kanyang pancreas.


Stories We Are Tracking

Veteran actor Bernardo Bernardo dies at 73
Veteran actor Bernardo Bernardo dies at 73
Bernardo Bernardo diagnosed with pancreatic tumor
Bernardo Bernardo diagnosed with pancreatic tumor

Samantala, bumuhos naman ang mensahe ng pagdadalamhati mula sa mga kasamahan ni Bernardo sa industriya.

Una na rito ang Broadway actress na si Lea Salonga, na inalala ang kanilang pagsasama sa stage musical na King and I.

“Tito Bernie was my very first leading man in the very first show I ever did, The King and I (he played the King of Siam and I was one of his daughters),” ani Lea.

Ibinahagi naman ni Assunta de Rossi ang kanyang pananabik noong bata pa siya tuwing napapanood si Bernardo sa dating popular sitcom na Home Along Da Riles.

“When I was a kid, I couldn't wait to watch #HomeAlongDaRiles because of Bernardo Bernardo,” sabi ni Assunta.

Ayon naman kay Liza Diño, isa si Bernardo sa mga unang bumati sa kanya nang maitalaga siya bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines.

Sabi pa niya, “He stood up for me. Sa tuwing merong mga bashers or negative people na nagsasabi ng di maganda, sya ang unang nagtatanggol sa akin.”

Narito ang iba pang mga personalidad na naghayag ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Bernardo:

Paalam bernie.. BB.. kapatid.. IROG... hanggang sa muli... RIP????????

A post shared by Irma (@irma_mahlee) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN