Former NPC president calls out Sofia Andres for being "habitual bastos"

IMAGE Noel Orsal

Hindi lang bloggers ang naglabas ng kanilang pagkadismaya kay Sofia Andres. Nagkuwento na rin ang ibang entertainment writers ng hindi maganda umanong pakikitungo sa kanila ng young Kapamilya star. 


Nagsilabasan pa ang ibang may hindi raw magandang karanasan sa Kapamilya young actress na si Sofia Andres.

Matapos palagan ng entertainment bloggers ang di raw magandang pakikitungo sa kanila ni Sofia, ilang entertainment reporters ang nagsabing nakaranas din daw sila ng hindi magandang pakikitungo mula sa baguhang aktres.

Ngunit pinalagpas na lamang nila ito dahil baguhan pa lang at baka magbago pa.

Sa isang thread ng usapan sa Facebook, napagkuwentuhan ng reporters ang tungkol kay Sofia at sa paghingi nito ng dispensa sa kanyang maling nagawa.

Ipinaliwanag ng 19-year-old actress na ang pagiging mailap niya ay dala lamang ng kanyang "fear of rejection."

Sabi pa niya, “I know it’s just simple to say, ‘Hi and hello,’ with a smile but I’m having a hard time to do that to some people I really don’t know.

“I am always scared they might just judge me or ignore me or say nothing at all.

“My defense mechanism is to always act like, ‘I am a strong woman and you can’t bring me down.’

“But the truth is I have no self-confidence, I have insecurities, yes I do."

Ngunit may ilang nagsasabi na "out of context" daw ang laman ng public apology ng Bagani star.


Stories We Are Tracking

Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers

“HABITUAL BASTOS.” Kagabi, March 7, ang dating National Press Club (NPC) president at tabloid publisher na si Benny Antiporda ang nagkuwento ng naranasan diumano niya at ng kanyang anak kay Sofia.

Nangyari raw ito noong 2014, nang nagsisimula pa lamang si Sofia at kabilang sa sikat na ABS-CBN prime time series na Forevermore.

Bida sa nasabing teleserye sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Lahad ni Antiporda, “HABITUAL BASTOS. Bastos talaga itong babaeng ito and I can attest to that, binastos din nyan ang anak ko sa SM Baguio.

“At that time asungot palang sya sa teleserye ni Liza Soberano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-umpisa pa lang sya noon bastos na, ngayon pa kaya?

“My daughter was 10 yrs old at that time.

“Requesting for a picture with her, with a high tone and in a rude manner she said, ‘Nagmamadali ako.’

“After a brief walk in SM nakita lang namin sila ng lalakeng kasama nya na naglalambingan and that’s it.

“Imagine 10 yrs old!!!”


Ibinahagi rin ni Antiporda sa kanyang Facebook ang post ng isang entertainment writer tungkol kay Sofia. 

Sabi pa niya, "HABITUAL BASTOS TALAGA."

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN na nangangalaga sa career ni Sofia, upang humingi ng pahayag tungkol sa isyu.

Hiningi na rin namin ang panig ni Sofia tungkol dito sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

Sa kasalukuyan ay wala pa kaming nakukuhang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN