Bong Revilla gets sentimental on 1,357th day of detention: "Hanggang kailan pa kaya?"

IMAGE Mark Pimentel / Facebook

Former Senator Bong Revilla Jr.: "I do not deserve to be incarcerated, gayunpaman, buo ang tiwala ko sa sistema kaya't mula't sapul ay sumailalim ako rito. Tulad ng ipinangako ko noon, patuloy kong hinaharap ang lahat ng mga paninira at kasinungalingan na ibinato nila sa akin."


Ngayong Huwebes, March 8, ang 91st birthday ni former Senator Ramon Revilla Sr., kaya hindi napigilan ng kanyang anak na si ex-Senator Bong Revilla Jr. na maging sentimental.

Sa June 2018, apat na taon nang nakakulong si Bong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame dahil sa pagkakasangkot niya sa PDAF scam.

Bilang na bilang ng 51-year-old actor-politician ang 1,357 days na pagkakakulong niya mula nang kusa siyang sumuko sa mga awtoridad noong June 20, 2014.

Mensahe niya sa kanyang Facebook post ngayong araw, “Halos apat na taon o mahigit 1,300 days na akong nakapiit mula sa aking pagsuko sa Sandiganbayan noong 2014.

“Ilang birthday na nga ng aking mga mahal sa buhay at mga mahahalagang okasyon ang aking napalampas—mga mahahalagang oras na hindi na maibabalik—dahil sa aking kinalalagyan.

"Hanggang kailan pa kaya?"

Sa kabila nito, hindi raw nawawalan ng tiwala si Bong sa justice system, kahit hindi niya alam kung kailan siya makalalaya.

“I do not deserve to be incarcerated, gayunpaman, buo ang tiwala ko sa sistema kaya’t mula’t sapul ay sumailalim ako rito.

“Tulad ng ipinangako ko noon, patuloy kong hinaharap ang lahat ng mga paninira at kasinungalingan na ibinato nila sa akin.

“Matatag, buong tapang at buong pag-asa kong sinasalubong ang lahat ng pagsubok na dumarating, sa kabila ng napakahaba nang panahong lumipas na hanggang ngayon ay wala pa naman napapatunayan laban sa akin.

"This will never weaken my resolve to fight for the truth and what is right. I am steadfast in my commitment to our kababayans,” pahayag ni Bong.

Sa huling bahagi ng kanyang post ay pinasalamatan ng dating senador ang lahat ng mga patuloy na nagdarasal para makalaya siya.

“Naniniwala pa rin ako sa hustisya. I trust that the truth will prevail and that I will be vindicated.

"Tiwala ako sa ating mga hukuman na tanging makapaglilinis sa aking pangalan. Kumpiyansa akong makakamit ko pa rin ang katarungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa akin. Please continue to pray for me.

"Tuloy lang po tayo sa panalangin at diringgin din ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN