Sam Milby hints at reason of breakup with Mari Jasmine

IMAGE Instagram @samuelmilby

Without going into details, Sam Milby says breakup with Mari Jasmine has something to do with differences in "foundation ng person."


Tila masakit pa rin kay Sam Milby ang nangyaring hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Mari Jasmine.

Nagpahiwatig si Sam na may kinalaman sa personal differences nila ni Mari kung bakit nagdesisyon silang maghiwalay.

Ito ay sa kabila ng pag-amin ng Kapamilya actor na nasa tamang edad na sana siya upang lumagay sa tahimik.

Paliwanag niya, “I’m turning 34 in May. I’m thinking of getting married and having a family.

“I guess, without sharing too much, there are certain things that we don’t…

“Foundation ng person, e. You know what I mean? Hindi ko ma-explain.”

Hindi ba sila nagkasundo pagdating sa kagustuhang magpakasal?

Makahulugang sagot ni Sam, “Yes and no.”

RESPECT FOR MARI. Tumanggi ang aktor na magbigay ng iba pang detalye.

Aniya, "She’s a very private person when it comes to her personal life.”

Nakapanayam si Sam ng TV host na si Boy Abunda sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda kagabi, March 7.

Dito ay inamin ni Sam na wala silang komunikasyon ni Mari.

“I don’t wanna say we’re friends, na nag-uusap pa kami, no. But we’re okay.”

Sa ngayon, hindi pa raw handa si Sam na makipagrelasyon ulit.

“Even if people ask me, am I ready to be in a relationship now? The thing is, I am not.

“I’m happy where I am now because I’m growing, and I need to grow a lot personally before I even think about getting into another relationship.”

FAILED ROMANCE. October 2015 nang unang maiulat ang pagkakamabutihan nina Sam at Mari.

Si Mari ay Australian citizen na may dugong Japanese at English.

Nagsimula ang kanilang love story nang i-follow ni Sam ang dalaga sa Twitter at Instagram accounts nito.

Personal pang naipakilala ni Sam si Mari sa mga magulang ng aktor nang magbakasyon sila dito sa Pilipinas noong November 2015. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

<p>Sam Milby dating Fil-British model</p>

Sam Milby dating Fil-British model

<p>Sam Milby's non-showbiz dating partner spotted at his concert

Sam Milby's non-showbiz dating partner spotted at his concert


Noong August 2016—o 10 buwan mula nang unang mapabalitang nagdi-date sila—ay saka lang kinumpirma ni Sam na sila ni Jasmine.

Nang sumunod na taon, September 2017, pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa matapos nilang i-unfollow ang isa't isa sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN