Aicelle Santos to Mark Zambrano: "I can't wait to spend the rest of my life with you, my fiancé!"

Aicelle Santos on her engagement to Mark Zambrano "In God's perfect time, our dreams were fulfilled last night. Finally, our first step to forever! I can't wait to spend the rest of my life with you, my Fiance!"


Punung-puno ng pagmamahal ang posts ng newly-engaged couple na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa kani-kanilang social media account.

Wala pa halos isang araw ang nakalilipas nang mangyari ang matagal nang inaasahan ng mga sumusubaybay sa pag-iibigan nina Aicelle at Mark.

Naganap ang marriage proposal ng GMA News reporter sa Himala actress sa Straight Up Bar sa Seda Hotel Vertis North, Quezon City, Miyerkules ng gabi, March 7.

Kaninang umaga ay halos magkasabay nag-post ang magkasintahan sa kani-kanilang social media account upang ipaalam ang nararamdaman tungkol sa engagement nila.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Mark, “With your 'Yes!', God's plan for me was realized.

“And just like how our love began, God's hand was with us all night.

“Our souls were entwined with so much love! Now hold my hand and let's take forever on together!

“Mahal na mahal kita my FIANCEE! I love how that sounds! #aimarked”

Mensahe naman ni Aicelle, itinuturing niyang isang katuparan ng kanilang hiling ang nangyaring engagement kagabi.

Aniya, “In God's perfect time, our dreams were fulfilled last night.

“Finally, our first step to forever!

“I can't wait to spend the rest of my life with you, my Fiance!

“Mahal na mahal na mahal po kita @markzambrano.”

Nakatakdang umalis ng Pilipinas si Aicelle sa March 22 para maging Gigi Van Tranh sa UK Touring Group ng Miss Saigon.

Sa panayam ng PEP Alerts trio member na si Noel Ferrer kay Mark, ginawa raw niya ang proposal bago umalis si Aicelle dahil, “I wanted for us to have something to hold on to, something that's dear to our hearts.”

Dagdag pa niya, “For her, papalakasin siya nun, e. And I think that having that memory that someone is waiting for her and loving her from a distance is gonna give her more strength.


PEP ALERTS EXCLUSIVE: Mark Zambrano, nag-propose na kay UK-bound Miss Saigon star Aicelle Santoss
by posted on March 7, 2018 9:58 pm

NOEL FERRER: “All set including the butterflies in my stomach and nervous acid reflux, ha-ha! Yes, it's private naman. Just our immediate family will be there.”

Ito ang text sa akin kanina, March 6, ng GMA News reporter na si Mark Zambrano nang kumustahin namin siya pagkatapos niyang ipagkatiwala sa amin ang balitang magpo-propose siya sa kasintahang si Aicelle Santos.

Paalis na si Aicelle sa March 22 para maging Gigi Van Tranh sa UK Touring Group ng Miss Saigon.

Naganap ang panayam namin kay Mark nang tanggapin niya ang award ng 24 Oras sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students).

Kasama sa ating PEP Alerts Exclusive ang pagsagot niya sa mga tanong kung paano sila mag-a-adjust sa long-distance relationship at kung ano paano pinaghandaan ni Mark ang moment ng pagpo-propose.

Naganap ang proposal sa Straight Up Bar on the 24th floor of Seda Hotel Vertis North ngayong Miyerkules ng gabi, March 7.

Sabi ni Mark, “I prepared a short video and I'll be on my knees lang.

"In the middle of a bed of giant sunflowers! Favorite niya yun, e.

"And the ring I had made is sunflower design with diamonds."

JERRY OLEA: Bilang na ang mga araw na nagkakasama ang magkasintahang Mark at Aicelle.

Tine-treasure ng erstwhile Traffic Diva ang moments na napagsasaluhan nila bago siya lumipad pa-UK.

“Mahal na mahal kita,” mensahe ni Aicelle para sa nobyo sa IG.

Mahal na mahal din naman ni Mark si Aicelle, kaya hinayaan niyang sundan nito ang pinapangarap na tagumpay.

Sadyang ang himala ng pag-ibig ay nasa puso nila!


NOEL FERRER: Aware ang buong pamilya nilang dalawa tungkol sa plano ni Mark na mag-propose ngayong gabi. Actually, kasama sila sa surprise.

Naisipan daw ito ni Mark nang dumating yung posibilidad na baka umalis si Aicelle para sa Miss Saigon.

Biniro ko si Mark na hindi ba niya ginawa ito sa pangambang may makilalang iba si Aicelle dun sa Miss Saigon tour.

Sabi niya, confident at secure naman saw siya sa kanilang relasyon.

Dagdag pa ni Mark, “I wanted for us to have something to hold on to; something that’s dear to our hearts.

"For her, papalakasin siya nun, e. And I think that having that memory that someone is waiting for her and loving her from a distance is gonna give her more strength.

"And for myself din naman, I want to make sure that she knows that; that this is for the long run, and that I’m serious with my intentions with her kaya naisipan ko na as soon as possible, [gawin na itong proposal] before she leaves.”


GORGY RULA: Akalain mo nga naman!

Nung huling nakausap namin si Aicelle sa promo ng concert niya sa Music Museum, sinabi niyang tingin niya, walang proposal na mangyayari ngayong taon dahil napag-usapan na raw nila ni Mark na marami pa silang gustong ma-achieve bago planuhin ang kasal. Kaya tiyak na na-surprise 'yan.

Natanong na rin namin noon si Aicelle kung ano ang dream wedding niya, gusto raw niya simple lang.

Destination wedding daw ang type niya na sa beach, na hindi siya hirap na hirap sa suot na wedding gown.

Wala pa naman yata silang napiling date ng kasal dahil kailangang mag-Miss Saigon muna si Aicelle.

NOEL FERRER: Ang nasabi lang ni Mark, next year daw ang kasal. After the UK Tour ng Miss Saigon.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN