Mark Bautista reveals he's prepared to lose some friends after coming out

IMAGE Instagram (@iambarkbautista)

Mark Bautista confirms that some people distanced themselves after revealing in his book that he's bisexual. 


Inamin ni Mark Bautista na may mga taong lumayo o dumistansiya pagkatapos niyang amining isa siyang bisexual sa kanyang autobiography, ang Beyond The Mark.


Stories We Are Tracking

Mark Bautista answers rumors, controversies in autobiography
Mark Bautista answers rumors, controversies in autobiography
Mark Bautista admits to being a victim of sexual abuse
Mark Bautista admits to being a victim of sexual abuse

Pahayag ng 34-year-old singer-actor sa panayam ng 24 Oras, “Na-prepare ko rin ang sarili ko sa mga ganung bagay.

"Kasi, yun yung isa sa mga fears mo na kapag nilabas mo ito, marami talagang magdi-distance sa ‘yo.

“Maraming… alam mo yun, hindi pabor sa ‘yo. So, hinanda ko yung sarili ko doon.

“So I was prepared.” 

Sa kabila nito, walang pinagsisihan si Mark sa kanyang paglalantad.

“Nakakatulog ako nang maayos, alam kong wala akong ginawang masama, and malinis, maayos ang intensiyon ko."

Dagdag pa niya, nasa happy state siya ngayon pagkatapos ng kanyang paglalantad.

“Masaya naman ako. Busy ako promoting my book.

"Ine-enjoy ko lang yung moment after releasing the book… na parang, you know, ang daming nagko-connect sa akin, nakaka-relate sila sa story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN