Michelle and Ehra Madrigal's father passes away

IMAGE Courtesy: @iamehramadrigal on Instagram

Nagluluksa ang pamilya nina Michelle at Ehra Madrigal sa pagpanaw ng kanilang amang si Gerry Madrigal nitong nakaraang Lunes, March 5. 


Nagdadalamhati ngayon ang pamilya nina Michelle at Ehra Madrigal matapos pumanaw ang kanilang amang si Gerry Madrigal.

Noon pang Lunes, March 5, pumanaw si Gerry dahil sa kumplikasyon sa atay at kidney.

Ngunit ngayong araw lamang, March 8, ibinahagi sa publiko nina Ehra at Michelle ang tungkol sa pagpanaw ng ama.

Mensahe ni Ehra sa kanyang Instagram post, “It’s been 3 days since you passed away, daddy. Para lang akong lumulutang.

"Seeing you lifeless in your hospital bed, choosing your casket and all feels like it was just in a bad dream.

"I hope you know how much I love you! If I can only keep you alive a little longer, I would... but I guess God took you away from us already so you won’t have to suffer anymore.

"Mahal na mahal kita, daddy!!! Iniisip ko pa lang na hindi na kita makakausap at mayayakap, ang hirap hirap na.

"I don’t know how I’ll get through this but i’ll continue praying for more strength."

Ngayong gabi ang huling lamay ng ama sa Maynila dahil dadalhin na ang mga labi nito sa kanilang hometown sa Bulacan bukas, March 9.

Ayon kay Ehra, “It’ll be your last night later in Manila before we transfer you to Bulacan so we’ll celebrate you!!!

"'Till we dance together in Heaven again! I love you with all my heart!!! Paki-kamusta na lang din po kami sa ama at ina!”

Sa pamamagitan naman ng Instagram stories, sinabi ni Michelle na sana ay gabayan sila ng yumaong ama mula sa Itaas. 


Ang ina nina Michelle at Ehra ay anak ng dating aktres na si Karla Kalua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN