KC Concepcion finally confirms breakup with Aly Borromeo

KC Concepcion on breakup with Aly Borromeo: "If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then."


Kinumpirma na ni KC Concepcion ang paghihiwalay nila ng kanyang athlete boyfriend na si Aly Borromeo.

Ngayong hapon, March 8, nag-post si KC ng black-and-white photo nila ni Aly.

Sa caption, matalinhagang sinabi ni KC na kahit hindi na sila ngayon ay hindi pa rin niya isinasara ang pinto sa posibilidad na magkabalikan silang muli.

“If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then.

“Timing is everything,” sabi ni KC.

Sa kanyang sumunod na pahayag, sinabi ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na bagamat nag-move on na siya, patuloy pa rin siyang susuporta kay Aly.

“As for me, I’ve decided to fully support him at the same time move on and spread my wings.”

Kung pagbabasehan ang pahayag na ito ni KC, tila masasabing maayos ang pag-uusap nila ni Aly tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Halos ganito rin kasi ang sinabi ni Aly sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“We’re concentrating on our personal career at the moment,” sabi ni Aly.

Kaugnay nito, sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN, nabanggit ni KC na abala ngayon si Aly sa kanyang propesyon.

“The good thing with Aly is that it doesn’t really get so dramatic.

“His mental space, his mind is really with sports and his career right now.

"I know that he needs that to be able to be a really good partner to have."

Sa parehong panayam nina KC at Aly, hindi nila direktang kinumpirma o itinanggi kung break na sila.


Stories We Are Tracking

Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?
Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?
Aly Borromeo dismisses rumored breakup with KC Concepcion
Aly Borromeo dismisses rumored breakup with KC Concepcion
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN