Arnel Cowley remembers late partner Isabel Granada on her 42nd birthday

IMAGE Courtesy: Arnel Principe-Cowley on Facebook

Ngayong araw sana, March 9, ang ika-42 kaarawan ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada. Ngunit binawian siya ng buhay sa Doha, Qatar, noong November 4, 2017, matapos ang ilang linggong pagkaratay sa ospital. 


Ngayong Biyernes, March 9, sana ang ika-42 kaarawan ng namayapang aktres at singer na si Isabel Granada.

Binawian ng buhay si Isabel noong November 4, 2017 matapos ang ilang linggong pagka-comatose sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng partner ni Isabel na si Arnel Cowley ang kanyang pagbati at pangungulila sa namayapang aktres.

Mensahe ni Arnel, “Baby… I want to wish you a very happy birthday in heaven.

“I wish that you are still here to celebrate your day with me like we used to.

“It still hurts every day without but this is extra painful as I can’t see you, hug you and kiss you.

“Please if you can… I hope that we can talk and I just want to tell you how much I love you and miss you.

“Happy birthday again my baby Isabel Granada. Mahal na mahal kita.”

Ipinagluksa ng buong showbiz ang pagpanaw ni Isabel dahil bata pa ito at walang indikasyong mayroon itong karamdaman.

Bukod kay Arnel, naulila ng singer-actress ang anak nitong si Hubert Thomas Jericho Granada Aguas at ina na si Isabel "Mommy Guapa" Villarama.

 


Stories We Are Tracking

Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN