Joshua Garcia rents entire skating rink for Julia Barretto

IMAGE Noel Mangalonzo

Joshua Garcia gifts girlfriend Julia Barretto with a grand early birthday treat.


Tila hindi nauubusan ng sorpresa si Joshua Garcia para sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Noong February 25, isa na namang grand gesture ang ipinakita ni Joshua para sa dalagang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla—ang rentahan ang isang buong ice skating rink sa isang kilalang mall para sa kanilang dalawa lang.

Nangyari ito ilang araw bago ang ika-21 kaarawan ni Julia sa March 10.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Joshua at Julia kamakailan, nabanggit ng young actor na tinupad lang niya ang hiling ng girlfriend.

Sabi ni Joshua, “Kasi gustung-gusto niyang mag-skate.

“Bata pa lang siya, nag-i-skate. Nanalo pa nga siya dati sa mga contest.

“Kumbaga sa pagkain, craving niya yun, kaya ibinigay ko sa kanya.”

Tila labis naman itong ikinatuwa ni Julia dahil naging instant bonding moment ito para sa kanila ni Joshua.

Sabi ng Kapamilya young actress, “Of course, I was so excited.

"Super takbo lang ako. Skate lang ako nang skate.

"Naturuan ko siya."

Aminado naman si Joshua na hindi siya kasing-excited ni Julia sa activity na ito dahil hindi siya marunong mag-ice skating.

“Nakahawak lang ako dun sa may polar bear. Magaling ako kapag hawak ko yung polar bear!” natatawang sabi niya.

Bago ang sorpresang ito, isang nakakakilig na dinner setup din ang inihanda ni Joshua para sa Valentine's Day celebration nila ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN