Rep. Vilma Santos relates "OMG" moment with two feuding SC justices

IMAGE Photo uploaded in Jim Paredes's Twitter account

Batangas Rep. Vilma Santos (center) admits feeling the tension when she was caught between Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno (right) and Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro (left) in an event that they attended for the International Women's Day.


Viral sa social media ngayon ang larawan ni Batangas Representative Vilma Santos, na napapagitnaan nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Ang larawan ay kuha mula sa ginanap na forum na inihanda ng Philippine Women Judges Association (PWJA) kahapon, March 8.

Tila angkop na angkop ang reaksiyon ni Vilma sa larawan sa naramdaman niya nang magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawang magkalabang mahistrado ng Supreme Court.

Napa-“Oh my god” raw si Vilma nang tumayo si De Castro para sitahin si Sereno.

Nabanggit kasi ni Sereno sa kanyang talumpati ang diumano'y “unfair” impeachment proceedings na isinasagawa ng House of Representatives laban sa kanya.


Stories We Are Tracking

Rep. Lucy Torres-Gomez votes yes to impeach CJ Sereno
Rep. Lucy Torres-Gomez votes yes to impeach CJ Sereno

Kuwento ni Vilma sa panayam sa kanya ng dzBB kaninang umaga, March 8, “Unang-una, pagdating ko, tense na ako kasi, imagine, puro ‘your honors’ iyong kaharap ko.

"After the message ni Chief Justice [Sereno], okay lang naman sa 'kin dahil ako na ang susunod [na magsasalita].

“Naramdaman ko ang bigat ng loob [tensyon] after nung mensahe ni Chief Justice.

“Noong tumayo si Justice De Castro and then ibinigay niya iyong message niya, that it was not the right time and the right place, I was just listening.

"Sabi ko nga, ‘Oh My God!’"

Kahit nang si Vilma na ang tumayo sa podium para magtalumpati, ramdam pa rin daw niya ang tensiyon sa lugar kung saan ginanap ang event.

Kaya naman sa kanyang talumpati, nasabi ni Vilma, “Kanina pa po [na] ang bigat-bigat ng loob ko. Puwede ho bang magkuwentuhan na lang tayo?”

Paliwanag ni Vilma tungkol dito, "Sinabi ko lang yung totoong nararamdaman ko [mabigat na loob].

"Hindi ko intensiyon talaga na I'll try to ease the tension."

Sa huli, sinabi ni Vilma na hihintayin muna niya ang committee report bago siya magbigay ng pasya tungkol sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's not good for the country. Let's just all pray na matapos na lahat ito.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN