Lovi Poe has no plans to settle down soon with boyfriend Chris Johnson

IMAGE Instagram @poevirginia

Lovi Poe says for now, her priority is her career. She says her boyfriend Chris Johnson understands her.

 


Ilang buwan na lang ay Hunyo na, na para sa marami ay panahon ng kasalan. Kaya tinanong namin si Lovi Poe kung may balak na ba silang magpakasal ng boyfriend niya, ang Filipino-French na si Chris Johnson.

“No, wala, wala talaga. Parang malayo pa yun.”

May ideal age ba si Lovi ng pagpapakasal?

“Wala naman yun sa edad, e. So I dunno," sagot ni 29-year-old Kapuso star.

Kailan niya masasabing handa na siyang magpakasal?

“When I feel it! So I can’t… I’m not there yet so I can’t answer the question.”

Trabaho raw muna ang priority ni Lovi.

“I’m still at a point in my life na trabaho talaga yung iniisip ko at saka yung sarili ko.

“So I don’t wanna give myself away or share myself with somebody else until…” bitin na sagot ni Lovi.

May nais pa ba siyang ma-achieve o makuha?

“Hindi naman sa makuha, but it’s just that… ‘me first’ pa ako, e.”

Okey ba naman sa boyfriend niya na ganun ang mindset niya?

Tugon ng aktres, “Yeah, we’re both on the same page naman. Work talaga.”

May balitang pipirma raw si Lovi sa Viva, totoo ba?

“I don’t know, wala po akong plans because I still have a few pictures with Regal, so…

“Wala pa nga akong alam sa mga nangyayari because I’m just taping, promo, taping, promo, taping,” at tumawa si Lovi.

Tungkol naman sa kontrata niya sa kanyang manager na si Leo Dominguez, mukhang tatagal pa si Lovi rito.

Sabi nga niya, “Of course, because Tito Leo’s my second mother!”

GAY SPEAK. Samantala, na-influence na pala si Lovi ng karakter niya sa The One That Got Away ng GMA-7.

“Babaeng bakla” kasi si Lovi rito bilang si Alex Makalintal na mahilig sa gay lingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “I think, ‘ayun, she’s the complete opposite  of me, and nadadala ko siya minsan.

“Like, when I have a conversation, super-ano siyang magsalita, like, ‘Hoy, bakla!’

“Ang sarap pala niyang sabihin kasi I don’t say it in real life. But now, I’m, like, ‘Hoy, bakla!’

“Ang sarap pala! So ‘pag nagmo-mall show ako, yung mga tao, ‘Hoy, bakla!’

“Gumaganun sila sa akin. So ako naman, ‘Hoy, bakla!’

“Ang saya lang,” at tumawa si Lovi, “Kasi dati, like sa [makeup and style] team ko, lagi akong, ‘O, girl!’

“Pero ngayon, ‘O, tingnan mo si Bakla!’ Ang sarap palang sabihin.”

At kung may pagkakapareho sina Lovi at Alex, “Siguro yung pagiging workaholic.

“One hundred percent na ako yun, na work first before love life.”

Sa The One That Got Away ay isa si Lovi sa tatlong leading ladies ni Dennis Trillo. Ang dalawa pa ay sina Rhian Ramos at Max Collins.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN