Claudine Barretto defends daughter Sabina's post about Raymart Santiago's relationship

IMAGE Instagram / Facebook

Claudine Barretto took to Instagram to deny allegation that she influenced her daughter Sabina to post messages against Raymart Santiago and his new girlfriend. Claudine says, "To say I put the quotes my daughter made is such a low blow. But I will VALIDATE HER FEELINGS as any mother would."


Ipinagtanggol ni Claudine Barretto ang anak na si Sabina kaugnay ng Instagram post nito tungkol sa amang si Raymart Santiago.

Itinanggi rin ng aktres na inimpluwensiyahan niya ang anak.

Noong Lunes, March 5, nag-post si Sabina sa Instagram ng quote cards na nagpapahiwatig ng kanyang pagtutol sa napapabalitang relasyon ni Raymart kay Aurora "AC" Legarda, na may mataas na katungkulan sa isang real estate firm.

Naka-tag sa post niyang ito sina Raymart at AC.

Caption pa ni Sabina rito: “YOU GUYS HAPPY NOW?”


Stories We Are Tracking

Raymart's daughter posts messages alluding to his new GF
Raymart's daughter posts messages alluding to his new GF

CLAUDINE’S STATEMENT ON IG. Ngayong Biyernes ng hapon, March 9, nag-post ng isang mahabang mensahe si Claudine sa kanyang Instagram account.

Ito ay upang ipaliwanag ang matinding pinagdadaanan diumano ng dalawa niyang anak—sina Sabina, 13, at Santino, 10—dahil sa napapabalitang relasyon ni Raymart.

Mensahe ng 38-year-old actress, “This past week has been a very painful, confusing week for my children & I.

“Seeing your children in pain is the most painful thing any parent can feel.”

Ikinasal sina Claudine at Raymart noong 2006, ngunit naghiwalay rin sila noong 2011.

Nasa kustodiya ng aktres ang dalawa nilang anak.

Ayon kay Claudine, nang maghiwalay sila ng Kapuso actor ay nagmakaawa siya ritong makipag-usap mga anak upang tiyaking bagamat hiwalay na ang kanilang mga magulang ay mahal pa rin sila ng mga ito.

Pero hindi raw ito ginawa ni Raymart.

“THAT NEVER HAPPENED.

“It was I who again BEGGED Raymart to go through counselling, just the 3 of them, so they would feel loved & safe & secure despite our separation.”

Sabi pa ng aktres, binigyan daw ng permiso ng korte si Raymart na mabisita ang mga anak nila tuwing Sabado, pero malaya raw makapunta sa kanilang bahay ang aktor kahit anong oras.

Siya rin daw ang nagmamakaawa kay Raymart na dumalo sa school events ng kanilang mga anak, pero pahirapan daw ito.

Sabi pa ni Claudine, hindi umano tinutupad ni Raymart ang obligasyon nitong bumisita at sumailalim sa counselling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin po ang nagsasabi we failed as husband & wife let us not fail as parents!

“I stopped working so my kids would feel secure & safe knowing that one parent is there when they need us.”

CLAUDINE ON RAYMART’S “RELATIONSHIPS.” Ibinunyag din ng aktres na bukod sa kasalukuyang relasyon ni Raymart, may iba pa raw naging girlfriend ang aktor simula nang maghiwalay sila.

Gusto raw ni Claudine na ipaliwanag ito ni Raymart sa kanilang mga anak, subalit itinatanggi raw ng aktor na may karelasyon ito.

“This relationship thing of Raymart isn’t the first in years. There were & are others & I really don’t care.

“My only request is for him to explain this to my kids, but he consistently denies that he has a girlfriend.

“So he doesn’t feel the need to explain, so ok.”

Naba-bash daw ngayon si Sabina dahil sa kanyang Instagram post laban sa ama at karelasyon nito.

Pero iyon lang daw ang tanging paraan na alam ng anak para protektahan ang sarili at ang nakababatang kapatid.

“My daughter is being bashed for protecting herself and her brother, when that is the only way she knows how coz she cannot open or talk to her dad, who by the way DOES NOT VISIT ONCE A WEEK,” bahagi ng statement ni Claudine.

MONEY ISSUE. Isiniwalat din ni Claudine na sa loob ng tatlong taon, hati raw sila ni Raymart pagdating sa tuition fee ng mga bata.

Pero ngayong huling payment ay hindi raw sila naghati “because of my sickness & hospitalizations.”

May binanggit din si Claudine na P4 million na naipong utang dahil sa hospital bills at hindi pagbibigay ng child support.

“P4 million na hospitalizations. P4 million na UTANG OR ARREARS for the years of not paying child support."

Sinabi rin ni Claudine na nabigyan sila ni Raymart ng tigti-three million pesos mula sa “offshore account” para mabayaran diumano ang utang ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But sadly he KEPT THIS!” akusasyon pa ng aktres.

Diin pa ni Claudine, ayaw niyang mapasama si Raymart, pero nagsalita raw siya dahil naba-bash si Sabina.

Marami man daw puwedeng ibintang sa kanya, pero nakatitiyak daw ang aktres na isa siyang mabuting ina.

“You all can say many things about me but if there is one thing I can be proud of is that I am a damn good mom!

“I don’t [coach] or talk bad about their father coz he has proven that very well to them. I would never put hatred in my children’s minds & hearts.

“But it’s only I alone who has been protecting them.”

WISHING RAYMART HAPPINESS BUT… Binanggit din ni Claudine na nang masangkot sa away at nasaktan si Santino sa school, siya lang ang prumotekta sa anak.

Pahayag ng aktres tungkol sa personal na buhay ngayon ni Raymart, “Everyone has the right to be happy & believe it or not, that is something I want Raymart to have.

“But is it so hard to explain?”

Ikinagagalit din ni Claudine ang bintang na inimpluwensiyahan niya si Sabina para gawin ang kontrobersiyal na post.

“To say I put the quotes my daughter made is such a low blow.

“But I will VALIDATE HER FEELINGS as any mother would.”

Sa dulo, pinasalamatan ni Claudine ang mga taong sumusuporta sa kanya at sa kanyang mga anak.

To all those who understand and to those who don’t.

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Raymart hinggil sa mga pahayag ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN