Erik Santos on Mark Bautista's coming out: "I respect that."

IMAGE Noel Orsal

Erik Santos is not one to judge a book by its cover. About his friend Mark Bautista, he says, "Hindi ko kasi tinitignan kung ano yung isiniwalat niya sa book or what. Mabait siyang tao, mabuti siyang kaibigan. Walang nagbabago."


Bilang kaibigan at kasamahan sa industriya, hiningi ang opinyon si Erik Santos kaugnay ng paglalantad ni Mark Bautista tungkol sa kanyang sexuality.

Pahayag ng Kapamilya singer, “Ako, kung anuman yung nararamdaman niya, kung anuman yung ginagawa niya ngayon, I respect that.

“And I respect him as my friend, as a person, as an individual.

“Ako kasi, I respect all my friends—their talent, their individuality, kung sino sila. 

“Wala namang perfect.

"Kung ano yung preference nila, kung ano yung maging desisyon nila sa buhay, sila yun, I respect that.”

Kabilang sina Erik at Mark sa Champions, ang grupo ng singers na regular na nagpe-perform noon sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP.

Kasama rin nila rito sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Christian Bautista, at Jed Madela. 

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erik sa mediacon ng Cornerstone Entertainment, Inc. para sa kanilang contract artists at magaganap na big event ngayong taon. 

Ginanap ang presscon noong March 5, Lunes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.


Stories We Are Tracking

Mark Bautista reveals intimate relationship with male friend
Mark Bautista reveals intimate relationship with male friend
Mark Bautista answers rumors, controversies in autobiography
Mark Bautista answers rumors, controversies in autobiography
Mark Bautista admits to being a victim of sexual abuse
Mark Bautista admits to being a victim of sexual abuse

WHY NOT? Ayon kay Erik, walang nababanggit sa kanya si Mark tungkol sa mga rebelasyon nito sa libro at pagsasalita sa TV.

“Wala akong natatandaan na nai-share niya yun sa amin before,” pakli niya.

Nakaramdam ba si Erik na kakaibang kilos ni Mark na may kinalaman sa pag-out nito?

Sagot ng 35-year-old singer, “Hindi, kaya nga nagulat ako nong nabalitaan ko na naglabas nga siya ng book. Sobra akong na-surprise.

“May mga naririnig ako about the book, pero ayokong magtanong, e, nahihiya ako.”

Hindi rin daw napanood ni Erik ang interview ni Mark sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Nag-aalala ba si Erik na baka magbago ang tingin ng tao kay Mark, pati na ang takbo ng karera nito sa Pilipinas?

Aniya, “I’m sure bago niya napagdesisyunan 'yang mga bagay na 'yan, marami na rin siyang kinonsider na maaaring mangyari. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think, prepared naman siya sa kung anuman ang mangyayari sa future."

Sabi pa ni Erik, “Hindi ko kasi tinitignan kung ano yung isiniwalat niya sa book or what. 

“If his objective is to inspire other people, if that his way of inspiring other people, why not?

“Basta ako, mabait siya, mabait siyang tao, mabuti siyang kaibigan.

“Okey yun sa akin, walang nagbabago.”

Hindi pa raw sila nagkikita matapos ang rebelasyon ni Mark.

“Nagkita kami January, kumanta kami sa kasal nung kapatid ni Christian Bautista,” banggit ni Erik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN