Angel Locsin respects dissenting opinions of fellow Pilipinas Got Talent judges

IMAGE Screen grab from Pilipinas Got Talent

Angel Locsin on dissenting opinions of fellow Pilipinas Got Talent judges: "Mahal na mahal ko ang mga kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa't isa, hindi kami nagbabastusan, ganun lang kami talaga."


Bilang mga judges sa ABS-CBN reality talent competition na Pilipinas Got Talent (PGT), hindi maiiwasan na kadalasan ay nagkakaiba ng mga opinyon sina Vice Ganda, Robin Padilla, Freddie Garcia at Angel Locsin pagdating sa mga contestants na sumasali dito.

Noong nakaraang Sabado ay nagkaroon ng kaunting diskusyon sina Robin at Angel tungkol sa all-girl sexy dance group na Playgirls, ang grupo ng mga kababaihan na ang ipinakitang talento ay isang carwash dance routine habang nakasuot ng underwear.

Agad na nag-buzz si Angel dahil hindi siya natuwa sa performance ng Playgirls.

Sinabi niyang hindi sapat ang pagpapakita ng katawan bilang talent.

Sa kabilang banda, wala namang nakitang masama si Robin sa pagsasayaw ng grupo, pero sa huli ay dinepensahan din naman ng aktor ang opinyon ni Angel.

RESPECT. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Angel sa set ng Pilipinas Got Talent noong nakaraang Huwebes sa ABS-CBN, siniguro naman ng aktres na bagamat magkaroon man sila ng pagkakaiba ng opinyon ng mga kapwa niya hurado sa PGT ay hindi naman daw mawawala ang mataas na respeto at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Lahad niya, “Away? Hindi naman, pero pag may contestant ka na gustong pumasok, siyempre ilalaban mo talaga.

“Pero yung mga kasama kong judges, sobrang tiwala ko naman sa kanila.

“Di naman sila ilalagay dito kung di naman tama ang kanilang magiging opinyon.

“Mahal na mahal ko ang mga kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa’t isa, hindi kami nagbabastusan, ganun lang kami talaga.

“Sineseryoso namin kung ano ang ginagawa namin.

“Saka ganun naman kasi dapat, binibigyan tayo ng oportunidad para mag-voice out ng opinyon.

“Kami namang apat, bukas naman kami.

“Kung ano yung opinyon ng isa, nirerespeto namin ang isa’t isa.”

FREEDOM OF SPEECH. Ayon din kay Angel, karapatan din ng mga netizens na magpahayag ng kanilang saloobin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sana raw ay may limitasyon ito at hindi sila makasakit ng ibang tao.

Diin niya, “May kanya-kanya tayong utak, karapatn nating magsalita kung ano ang gusto natin.

“Karapatan nating maghayag kung ano ang opinyon natin as long as di tayo makakasakit ng kapwa.”

CALL FOR EXCELLENCE. Nang tanungin naman kung ano ang dapat na abangan pa sa mga susunod na episodes ng PGT, para sa aktres ito ay mga ipapakitang talento ng kanilang mga contestants.

Sabi niya, “Mas kailangang maghanda ang mga contestants.

“Mas seryoso na ito talaga, mas magagaling ang mga makakaharap nila, kaya dapat magpakita sila ng mas kakaiba at pinaka the best na performance na maibibigay nila talaga.”

JAPAN TRIP. Kagagaling lang ni Angel sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya at ang boyfriend niyang si Neil Arce.

Ayon kay Angel, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na bumiyahe sila sa ibang bansa bilang magkasintahan.

Kuwento niya, “Nakaka-enjoy kasi kasama ang buong family ko.

“It’s about time na ako naman ang mag-alaga sa kanila dun kasi ilang years na naman nila akong inaalagaan.

“Sobrang happy, malamig.

“Medyo bitin, sana mas mahaba-haba yung time, kaya lang kailangang bumalik kasi may PGT.

“May mga travels na kami [ni Neil], nag-New Zealand na kami before sa kasal ni Anne [Curtis], nakapag-Hongkong na rin kami.

“I think yung official together, ito yung first time.”

LEARNING EXPERIENCE. Kinuwento pa ng aktres na marami siyang natututunan tuwing lumalabas siya ng bansa.

Pahabol niya, “Pag nagta-travel ka kasi para kang nag-aaral.

“Marami kang natutunan and it’s very humbling.

“Nararamdaman mo na napakaliit mo lang sa napakalaking mundo talaga. so gusto naming mag-travel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN