Joyce Ching reveals identity of non-showbiz boyfriend

Joyce Ching reveals how non-showbiz boyfriend Kevin Alimon courted her: "Siya naman, before pa rin siya mag-start manligaw, ang priority niya talaga is to meet my parents and to tell them yung intentions niya na he's going to pursue me. Nag-start rin siya to introduce himself sa parents and sa family ko."


May dahilan pala kung bakit hindi na puwedeng magbalikan ang dating magkarelasyon na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

May non-showbiz boyfriend na pala si Joyce at four months na silang magkarelasyon.

Nagngangalang Kevin Alimon ang nababalitang boyfriend ng Kapuso actress at nakilala raw niya ito sa Youth Service for Church.

Sa isang TV interview nitong nakaraang March 8, ikinuwento ni Joyce kung paano nagsimulang manligaw sa kanya si Kevin.

“Siya naman, before pa rin siya mag-start manligaw, ang priority niya talaga is to meet my parents and to tell them yung intentions niya na he's going to pursue me.

“Nag-start rin siya to introduce himself sa parents and sa family ko.

“From time to time, sumasama siya sa'min when we go out.

“Parang hindi lang ako yung na-get to know niya during the courting stage, pati parents and family ko, nakilala rin niya,” pahayag ni Joyce.

Naka-post sa Instagram account ni Joyce ang mga photos at video nila ni Kevin.

Kabilang dito ang mga litrato nila noong nakaraang Christmas at noong um-attend sila ng isang wedding ng kaibigan nila.

Christmas eve service! Merry Christmas everybody! ??

A post shared by Joyce Ching (@joeysching) on

#JoshKatUyficiallyMarried ????????????????????????

A post shared by Joyce Ching (@joeysching) on

Bukod sa kanyang bagong karelasyon, masayang binalita ni Joyce na matatapos na siya sa kanyang film degree course sa Meridian International College.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN