Pia Wurtzbach waited sixteen years for her first major movie break

IMAGE Pia Wurtzbach Instagram

Pia Wurtzbach confessed that even before she aspired to be a beauty queen, she always dreamt of starring in her very own movie: "So I can say that before Miss Universe, this was my first dream."


Kung hindi pa nagkaroon ng Miss Universe title si Pia Wurtzbach, hindi raw ito magiging bida sa pelikula, kaya napaluha siya sa presscon ng bago niyang romcom movie na My Perfect You ng Star Cinema na ginanap ngayong hapon sa 9501 ng ELJ Building.

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, ang My Perfect You ay pinagbibidahan ni Pia at ng kanyang leading man na si Gerald Anderson.

Naging emosyunal si Pia nang sabihin nitong labing-anim na taon ang ipinaghintay niya bago siya nagkaroon ng big break sa pelikula.

“I’ve always wanted to be a beauty queen.

“Alam naman ng lahat na gusto ko siya, pero yung ini-aim ko noong mga panahon na ‘yon na nagdi-dream lang ako ng Miss Universe, artista na ako noong bata ako at gusto ko talagang magkaroon ng lead role, magkaroon ng movie, ganyan...

“So I can say that before Miss Universe, this was my first dream.

“Nung malaman ng kapatid ko, nung mapanood niya yung trailer [ng My Perfect You], sabi niya, sobrang proud niya, kasi alam niya na matagal na matagal ko nang gusto ito,” pag-amin ni Pia na tuluyan nang napaiyak.

Dagdag niya, “I am so grateful kasi parang now I understand why I had to go all through all of those challenges and pagkatalo kasi, dadating din pala at the right time, so I’m so happy.

“Yung sa labas, nakita ko yung malaking billboard pagdaan namin, sabi ko, 'Never did I imagine na makikita ko ang sarili ko diyan.'

“For some reason, nakatatak sa isip ko na Miss Universe ako, I will win the crown.

“Pero yung makita ko ang sarili ko sa billboard sa movie, sabi ko, 'Oh my God, nandiyan ako!'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN