Billy Crawford, Coleen Garcia draw flak over "offensive" pre-nup photos in Ethiopia

IMAGE Instagram @mymetrophoto via @coleen

Netizens call out Billy, Coleen for alleged culturally offensive portrayal of Ethiopian women and kids in the celebrity couple's pre-nup photos. 


Umani ng pambabatikos sina Billy Crawford, 35, at Coleen Garcia, 24, kaugnay ng kanilang pre-nup photos na kuha sa Simien Mountains sa Ethiopia, Africa.

Ito ay sa kadahilanang “offensive, inappropriate, insensitive” ang paggamit umano ng Ethiopian women and kids sa pre-nup shoot ng celebrity couple.

Ang Simien Mountains ay itinuturing na World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) dahil sa cultural significance at biodiversity conservation ng lugar.

Ayon sa simienmountains.org, may maliit na populasyon mula sa sinaunang "Ethiopian Jews" ang naninirahan sa kabundukan ng Simien, partikular na sa North Gondar Zone. 

Ngunit karamihan sa local settlers ay "long-term Muslim communities" at "Orthodox Christians."

Kagabi, March 10, ibinahagi nina Billy at Coleen ang kanilang pre-nup photos sa kanilang Instagram accounts.

Ni-release din ang iba nilang litrato sa Instagram account ng @mymetrophoto.

At press time, hindi na makikita sa mga nabanggit na Instagram accounts ang pre-nup photos ng couple na may kasamang local inhabitants ng Simien Mountains.

Ganunpaman, may mga netizens na nakakuha ng screen shots ng mga kinukuwestiyong mga larawan.

Dito inalmahan ang “cultural appropriation” at pagpalaganap umano ng maling mensahe kaugnay ng pre-nup shoot nina Billy at Coleen.

Ang cultural appropriation, ayon sa ulat ng huffingtonpost.com, ay "the act of taking or using things from a culture that is not your own, especially without showing that you understand or respect this culture.”

Ilan pa sa netizens ang nagsabing hindi dapat ginamit na “props” lalo na ang Ethiopian kids sa pre-nup shoot ng couple.

Narito ang ilan sa mga ito: 

"DISCRIMINATORY, OFFENSIVE, INSENSITIVE." May ilan pang netizens na nagsabing nagpapahiwatig ng diskriminasyon laban sa local inhabitants ng Simien Mountains ang pre-nup shoot nina Billy at Coleen.



OTHER ARGUMENTS. Sa kabilang banda, may ilang netizens din ang nagsabing "haters" lang daw ng couple ang nagbibigay ng malisya sa konsepto ng kanilang pre-nup shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilan din ang kumuwestiyon kung bakit inaalmahan ang photo shoot ng couple kasama ng Ethiopian people gayong may iba rin namang photo shoot na kasama sa background ang ibang lahi.




Paliwanag naman ng mga pumuna sa larawan ng celebrity couple, ang isyu ay ang diskriminasyon sa portrayal ng celebrity couple at ng local inhabitants ng Simien Mountains sa photo shoot.




Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag nina Coleen, Billy, at iba pang kunektado sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN