Moira dela Torre reveals how BF Jason Marvin became her songwriting inspiration

IMAGE Jason Marvin on Facebook

The Voice PH alumna and singer-songwriter Moira dela Torre narrates how her boyfriend Jason Marvin inspired her to finally complete a long-unfinished song: "Pagtingin ko sa kanya, nasulat ko na lang yung song in ten minutes kasi na-realize ko what I meant as a heartbreak song is actually a song about hope."


Sa kabila ng papaangat niyang singing career, hindi raw magdadalawang-isip si Moira dela Torre kung saka-sakaling yayain na siyang magpakasal ng boyfriend niyang si Jason Marvin.

Agad daw siyang papayag dahil sigurado na siyang ito na talaga ang taong gusto niyang makasama habang buhay.

Isang taon at isang buwan nang magkarelasyon sina Moira at Jason.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang singer sa nakaaang Cornerstone Concerts Media Night na ginanap sa Luxent Hotel nung nakaraang March 4.

“Yes po, I feel like as a young person, a lot of people kasi in my generation are afraid of commitments and so I’m not afraid of commitment.

“If he proposes, I’ll say yes because I’m sure and I know naman na I can pursue this career and I can pursue even better coz we’re in the same industry.

“Naiinip na nga ako,” pabiro niyang hirit.

SOLID FOUNDATION. Matatag ang foundation ng relasyon nina Moira at Jason dahil naging matagal na pala silang magkaibigan bago sila naging magkarelasyon.

Kuwento niya, “Seven years na kaming friends, with my exes, with his exes.

“Barkada kami 'tapos tinutulungan ko pa siyang manligaw, sa kanya ako nagsusumbong, isa siya sa mga sinusumbungan ko.

“Nakita ko na ang baho niya, no best foot forward.

“As in matagal kaming naging single after that.

“It just happened he started liking me and before siya nagsabi sa akin ng kahit ano, before siya nanligaw, he asked permission from me.

“Then sabi niya, 'Wag ka munang sasagot. Can I take you to Olongapo tomorrow?'

“Nag-drive kami to Olongapo and then nagpaalam siya sa parents ko for their blessing and binigay naman nila.”

THEME SONG. Binahagi din ng singer na ang kanta pala niyang “Tagpuan” ang theme song niya para sa kasintahan.

Patuloy niyang kuwento, “Yung word na tagpuan is actually an unspoken word by Brian Lim and narinig ko ito three years ago, two years ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ko siya matapos-tapos kasi gusto ko siyang gawing another hugot song.

“Di ko siya matapos for two years, nakatengga lang siya dun.

“Until one time I was in the car with Jason and we were driving in SCTEX, papunta kami sa parents ko sa Olongapo.

“Pagtingin ko sa kanya, nasulat ko na lang yung song in ten minutes kasi na-realize ko what I meant as a heartbreak song is actually a song about hope.

“It speaks about... yung first part niya, may line dun na, 'Bakit di maitama ang tadhana?'

“'Tapos yung chorus niya, '...at nakita kita sa tagpuan.'

“'Tapos, yun pala, while nagpe-pray ako at puro reklamo ang binibigay ko kay God, on the other side pala, may nagpe-pray sa Kanya for me.”

DISTINCT SINGING STYLE. Maganda ang boses ni Moira, at masasabing mas napapansin ito dahil sa kanyang kakaibang singing style.

Isa na si Vice Ganda sa mga nakapansin dito, at biniro ng host-comedian si Moira na parang lasing at lagi raw itong inaantok kapag kumakanta.

Hindi naman napipikon ang singer sa puna na ito sa kanya ng iba.

Kibit-balikat niya, “Wala, totoo naman.

“Offend? Hindi naman, wala na naman akong magagawa.”

BIG DOME CONCERT. Pagkatapos ng matagumpay na solo concert ni Moira sa Kia Theater, ang Tagpuan, mapapanood muli ang singer sa Araneta Coliseum sa June 1, kasama naman ang sikat na American pop group na Boyce Avenue.

“The Big Dome with Boyce Avenue, YouTube sensation sila and growing up, sila yung inspiration ko, kasi ang galing nilang bumali ng mga kanta kapag nagku-cover sila, 'tapos consistent.

“Dun ako nai-inspire to share the Big Dome with them,” kuwento pa ni Moira.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN