Ai-Ai delas Alas is now a talent manager; inks contract with Ex Battalion

IMAGE Instagram

Comedy Queen Ai-Ai delas Alas takes on new challenge as talent manager: "It's about time na tumulong ako sa mga new artists na talented at kailangan ng guidance para matupad ang mga pangarap nila."


Talent manager na rin ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas dahil siya ang pinili ng Ex Battalion para mag-manage ng kanilang hip-hop group.

Dalawang taon ang exclusive contract ng Ex Battalion kay Ai-Ai na maraming plano para sa phenomenal group na unang sumikat sa Internet.

“Gusto ko na mag-level up ang Ex Battalion, hindi lang sa mundo ng Internet kundi pati rin sa mainstream.

“Walang experience ang Ex Battalion sa mainstream. Ni hindi nila alam ang kanilang worth kaya nagpatulong na sila sa akin.

“Challenging pala ang mag-manage ng mga artist.

“Tumawag pa ako kay Ama [Boy Abunda, Ai-Ai’s manager] para humingi ng tips na magagamit ko sa pagma-manage sa Ex Battalion.

“At saka, na-manage ko na ang personal life ko at happily married na ako, kaya it’s about time na tumulong ako sa mga new artists na talented at kailangan ng guidance para matupad ang mga pangarap nila,” kuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa bagong role niya bilang talent manager.

RESTO BUSINESS. Pero hindi lang ang pamamahala sa career ng Ex Battalion ang pinagkakaabalahan ni Ai-Ai dahil nakatutok din ang atensyon niya sa kanyang “food kingdom.”

Si Ai-Ai ang may-ari ng AiSarap Express at ng dalawang restaurants na magkasunod na magbubukas sa May 2018: ang AiSian Fusion sa Ayala Mall Cloverleaf, at Ai Cup of Love sa Fisher Mall.

“Hybrid ang mga restaurant ko,” natatawang pagmamalaki ni Ai-Ai.

“Mga healthy food at hindi fastfood ang offer namin sa lahat.

“Pinili ko ang restaurant business dahil ang pagkain ang basic need ng mga tao, at masasabi ko na talagang masasarap at healthy ang mga pagkain sa food kingdom na bini-build ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN