Billy Crawford, Coleen Garcia on prenup photos with Ethiopian people: "We meant no harm."

IMAGE Instagram @mymetrophoto (Oly Ruiz)

Billy Crawford and Coleen Garcia's official statement on their prenup photos with Ethiopian people: "It's sad that the tendency is to jump to conclusions, but we understand din kasi nga they were not there to witness everything... Kaya, we do apologize for how it might have translated, and we're sorry again to those we have offended."


Pormal na humingi ng dispensa sina Billy Crawford at Coleen Garcia kaugnay ng kanilang prenup photos kung saan may kasama silang local settlers sa Simien Mountains sa Ethiopia, Africa.

Kaugnay ito ng pag-alma ng ilang netizens dahil sa umano’y “offensive, inappropriate, and insensitive” message na naipapamalas ng mga nasabing larawan.

Pahayag ng engaged couple sa official statement na ipinadala nila sa ABS-CBN reporter na si MJ Felipe:

“It's sad that the tendency is to jump to conclusions, but we understand din kasi nga they were not there to witness everything.

“And looking at it from their perspective, we do still see where they are coming from. Completely.

“It might not even be about the photos per se, but more on how it comes across and what it could represent.

“Being public figures, dito kami nagkulang and we admit we could have done better.

“Kaya, we do apologize for how it might have translated, and we're sorry again to those we have offended.”


Stories We Are Tracking

Billy, Coleen draw flak over
Billy, Coleen draw flak over "offensive" pre-nup photos

Ipinaliwanag nina Billy at Coleen na hindi opisyal na prenup shoot ang kanilang pakay, bagkus ay naimbitahan sila ng Ethiopian Airlines na bumisita at i-promote ang turismo roon.

Mayroon daw silang kasamang local guide sa buong panahong bumisita sila sa kabundukan ng Siemien.   

“He took us around and made suggestions for the shoot, such as including the priests of Lalibela in our photos because they wanted people to see.

“We based our layouts off of some of their suggestions.

“The locals were so kind, warm, and welcoming, and they love meeting tourists. They even gave us items of clothing to add to our shoot, for which they showed so much support.”

UNPLANNED SHOTS WITH KIDS. Giit ng couple, wala silang masamang intensiyon sa kanilang pagpapakuha ng litratro kasama ng mga batang residente sa lugar.

“Yung shot with the kids, actually patapos na kaming mag shoot noon na kaming dalawa lang and we just needed to get a few shots in, but naaliw yung kids (who were already there) and they really wanted to be a part of the photo so they kept coming into the frame hanggang sa sinama na nina Oly.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Oly Ruiz ng My Metro Photo ang kasama nilang official photographer doon.

Sabi pa rin sa official statement ng couple, may isang punto sa kanilang shoot kung saan may isang lalaking residente ang sumubok na paalisin ang mga bata upang huwag makaistorbo ang mga ito.

Ngunit sinabihan pa raw nila ang lalaking tagaroon na walang problema kung gustong sumali ng mga bata sa shoot kahit wala ito sa plano.

Pagkatapos ay ipinakita pa raw nila ang kanilang mga nakunang mga litrato sa mga batang residente roon.  

“We never forced anyone nor wanted to disrespect any race or culture.

“People in the Philippines felt disrespected and offended, but being there was a completely different feeling.

“May mga nagsasabi na bihis na bihis kami, but we did go there pre-styled for a fashion shoot, and everything else followed spontaneously.”

Ayon pa sa couple, pakiramdam nila ay “taken out of context” ang pagpuna ng ilang netizens sa kanilang mga larawan sa Ethiopia.

"POSITIVE ENCOUNTERS" NOT "RACISM." Pero nagdesisyon umano silang i-take down ang mga naibahagi nilang larawan kasama ang Ethiopian people matapos almahan ito ng netizens.

“We have so many photos of the two of us, mga 95% ng photos, and there were two or three that offended people and were singled out, so the team took them down right away because that is not our intention.

“We had so many positive encounters, kaya siguro hindi pumasok agad sa isip namin

“The children weren't sad and oppressed, they were so friendly and curious.

“When we looked at the photos, we didn't see slavery or racism at all, lalo na when you take all the rest of the photos into consideration.”

Sa huli, iginiit ni Billy na hindi niya magagawang mangmaliit ng kapwa dahil dumanas din siya ng diskriminasyon noong kabataan niya sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I grew up in a very diverse city (Roosevelt Island), and had experienced bullying and racism in my youth because of my being 'an Asian.'

"Trust me, we meant no harm."

Narito ang kabuuang pahayag nina Billy at Coleen:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN