Billy Crawford returns netizens' digs at his prenup shoot with jokes

IMAGE Courtesy: @billycrawford on Instagram

Idinaan na lang sa biro ni Billy Crawford ang memes na ipinost ng netizens tungkol sa kanilang outfits ng fiancée na si Coleen Garcia sa prenup shoot nila sa Ethiopia. 


Idinaan na lamang sa biro at pagpapatawa ni Billy Crawford ang memes ng netizens tungkol sa telang ginamit sa mga kasuotan nila ng fiancée na si Coleen Garcia para sa kanilang prenup shoot sa Simien Mountains sa Ethiopia, Africa.


Stories We Are Tracking

Billy, Coleen draw flak over
Billy, Coleen draw flak over "offensive" pre-nup photos

Nag-viral sa social media ang prenup photos nina Billy at Coleen na kanilang ipinost sa Instagram noong March 10 ng gabi.

Kasunud nito ang posts ng netizens—hindi lamang mga batikos, pati memes tungkol sa kanilang mga kasuotan.

Ang prints ng suot ni Billy ay may kapareho sa shopping bag, unan, at sofa.

Samantalang ang kay Coleen naman ay may kahalintulad na unan, backpack, at bedsheet.

Kagabi, March 10, pagkatapos nilang magpaliwanag tungkol sa pambabatikos ng netizens, nag-post na rin si Billy ng isang meme tungkol sa kanyang kasuotan.

Goodnight y’all ????

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

JOKE TIME. Ngayong Lunes, March 11, sunud-sunod ang posts ng It’s Showtime host tungkol sa mga kahalintulad na produkto sa telang ginamit sa damit na kanilang isinuot sa prenup shoot.

Biro pa ni Billy, “All around pala ang telang eto... ????#StylistIsDead #keepemcomin.”

Sinamahan niya ito ng larawang kakulay ng sofa ang kanyang isinuot sa prenup.

All around pala ang telang eto... ????#StylistIsDead #keepemcomin

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Sa isa pang post, sinamahan ito ni Billly ng larawan ni Coleen pati na ang mga kakulay na unan at backpack.

Sabi niya sa caption, “#Ika6natela.”

#Ika6natela ????

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Nagpatawa naman si Billy sa ikatlong post kung saan pabiro niyang sinabing “pinatay” diumano ng netizens ang career ng kanilang stylist na si Adrienne Concepcion.

Saad pa niya, “Billy and @coleen out! #MicDrop seriously sa lahat ng gumawa nito salamat binuhay n’yo katawang lupa namin pero pinatay n’yo ang stylist namin! Bwahahahahaha.”

Maging ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ay nakisakay na rin at nagpakuha na yakap-yakap ang pillowcase na kapareho ng tela ng damit ni Billy.

Ni-repost ito ni Billy sa kanyang Instagram account.

Caption pa niya rito: "@reginevalcasid di kami nagkamali ng tela. Official #songbird unan! ???? #DeadAko"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nagsalita na ang stylist nina Billy at Coleen tungkol sa telang ginamit nila ng designer na si Ryan Uson para sa nasabing prenup shoot.


Stories We Are Tracking

Stylist's concept for Billy and Coleen's outfits in Ethiopia
Stylist's concept for Billy and Coleen's outfits in Ethiopia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN