Rocco Nacino posts first photo with girlfriend Melissa Gohing on Instagram

IMAGE Courtesy: @br.araneta / @nacinorocco on Instagram

Sa wakas ay nagbahagi na si Rocco Nacino ng kauna-unahang larawan nila ng girlfriend na si Melissa Gohing matapos lumabas ang balitang kasintahan na ng aktor ang dating De La Salle University Lady Spiker. 


Tila hindi na itinatago ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang relasyon nila ng professional volleyball player na si Melissa Gohing.

Nitong Sabado, March 10, nag-post ang aktor sa Instagram ng kauna-unahang larawan nila ng girlfriend habang ini-enjoy ang quick vacation nila sa La Union.

Sabi ni Rocco sa caption, “Quick sweet escape with this one. Life is good.”

Quick sweet escape with this one. ?? Life is good.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Samantala, sa Instagram stories naman ni Melissa, nagbahagi ito ng paanyaya para sa bloodletting event ng boyfriend kasama siya sa darating na March 17.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng 31st birthday ni Rocco sa March 21.


Matatandaang kinumpirma ng source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nina Rocco at Melissa noong nakaraang linggo lamang.

Gusto raw kasi ng dalawang celebrities na maging pribado ang kanilang relasyon hangga't maaari.

Ito ang dahilan kaya hindi sila nagpu-post ng mga larawang magkasama sa kani-kanilang social media accounts kahit ilang buwan na ang kanilang relasyon.


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino-Melissa Gohing relationship confirmed
Rocco Nacino-Melissa Gohing relationship confirmed


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN