Pia Wurtzbach still dreams of becoming a Bond girl: "Nakabantay nga ako dun, e."

IMAGE Nerisa Almo

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach aims to become an international movie star. "I think lahat naman ng ginagawa ko is helping me lead to that," she says, confidently beautiful as ever.


“Siyempre, international na. Yun ang next na goal.”

Ito ang sinabi ni Pia Wurtzbach nang tanungin tungkol sa mga pangarap pa niyang matupad kasunod ng pagiging Miss Universe 2015 at pagkakaroon ng sariling pelikula.

Hindi pa rin daw nawawala sa 28-year-old beauty queen-actress ang dream niya na maging leading lady sa isang James Bond movie.

“Hindi ko pa naman nakakalimutan that other big dream that I have.

“Hindi pa rin nawawala yung Bond girl, nakabantay nga ako dun, e.

“Nakabantay ako sa Bond girl kasi alam ko may lalabas nang bago.

“They're really trying to experiment already with the cast, so it's really different this time.

“Even sina Esther [Swan, Miss Universe Organization manager], IMG know that I really want something like that.

“If not that, something like that.

"So we'll see, we'll see what we can do," pahayag ni Pia, na tila sabik na sabik nang maabot ang pangarap niyang ito.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

BIG CHANGE NEEDED. Nabanggit ni Pia ang nakikita niyang balakid para maabot ang pagiging Bond girl.

Ayon sa kanya, “Right now, I'm signed with IMG as Miss Universe ambassador.

“Ina-assign pa rin nila ako na meeting dito, meeting doon.

"Usually ngayon, puro Miss Universe events ang in-attend-an ko kapag nasa U.S. o nasa ibang bansa.

"Lahat parating related sa Miss Universe.”

Ito raw ang isa sa mga plano nilang baguhin para sa career path ni Pia abroad, lalo na sa Amerika.

Sabi ni Pia, “Tina-try namin na iba naman, na more celebrity or more artista.

“But the thing is, sabi rin nila, 'It will take a while before people forget that you're Miss Universe. You kinda have to repackage yourself in order to be a new celebrity.'

“Especially with how the crowning went also.

"Medyo mahirap kalimutan ng mga taga-U.S. that I was that girl.

“The thing is to repackage myself and forget that I was that Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Weird, di ba? Dito, it works in my favor, doon hindi.

“So we're still trying to get that balance. It will take time; hopefully, we'll get there.”

Kumusta na si @piawurtzbach ngayon bilang aktres? #MyPerfectYou

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

FOCUS ON LOCAL CAREER. Habang naghihintay ng oportunidad, gustong pagtuunan ng pansin ni Pia ang kanyang career sa local showbiz.

Sa katunayan, nagpapasalamat si Pia dahil nabigyan siya ng pagkakataong ipagpatuloy ang pangarap niyang maging artista.

Pagkatapos ng The Revengers Squad, magiging lead actress naman si Pia sa romantic-comedy movie kasama si Gerald Anderson, ang My Perfect You, na magsisimulang ipalabas ngayong linggo.

Ayon kay Pia, “I think lahat naman ng ginagawa ko is helping me lead to that.

“People might not see it right now but I'm gaining experience with every project that I'm doing here.

“Kahit na sabihin mong dito sa Pilipinas 'yan, experience pa rin 'yan.

"Real pa rin 'yan, na madadala ko sa mga gusto kong i-pursue in the future.”

Sa huli, sinabi ni Pia, “I'll focus on this first. I still feel that there are a few more things that I would like to do.

"A few more things that I'd like to try here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN