Alex Gonzaga says she's not offended by Luis Manzano's brutal jokes

IMAGE Alex Gonzaga Instagram

Alex Gonzaga on Luis Manzano: "He looks after me... and is concerned about my welfare."


Iginiit ni Alex Gonzaga na walang patutsadahan sa kanilang dalawa ni Luis Manzano kaugnay sa madalas nilang pamimintas sa isa’t isa sa Instagram at Twitter.

Kapansin-pansin ang posting na pinipintasan ang hitsura ni Alex at ginagawa itong katatawanan.

Ganundin naman si Alex kay Luis.

“Love namin ang isa’t isa kahit ganun kami magbiruan,” bungad na paliwanag ni Alex sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy pa niya, “Kapag may namba-bash kaya sa akin, yun kaya ang nagtatanggol sa akin.

“Saka kapag nagpu-promote ako na may branding, nire-tweet niya, so wala akong masamang ano kay Luis.

“One time, may isang brand na parang lalaitin ako for a joke. 

“Na-touch ako sa kanya noon kasi hindi niya pinost, ipinaalam niya sa akin.

“‘Oy, ha, ipinapagawa nila ito sa akin, hindi ko ginawa… just letting you know.’

“Si Kuya Luis, everything we know is just a joke.

"Pero pag important na, we talk about life, nagku-consult kami ng mga problems sa isa’t isa.

“We know we’re really friends, he looks after me. 

“Kami ni Luis, it’s just a joke, our endearment, but he cares about me and is concerned about my welfare.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Alex nang i-introduce siya sa media at bloggers bilang latest celebrity endorser ng Alaska Krem Top last week.

BITTER COFFEE? Dahil ang theme ng event ay tungkol sa creamer at kape, natanong si Alex kung bakit parang kapeng mapait si Luis na ini-enjoy naman niya?

Hindi ba talaga siya napipikon sa mga biro nito sa kanya sa public?

Mabilis na tumugon ang komedyanteng TV host, “Hindi, never, never! 

“Sinasabihan ko naman siya sa ganun… ‘Basta, huwag ka lang mapipikon kapag ako yung gumanti.’

“Hindi naman siya napipikon… alam ko naman na katuwaan lang yun.” 

Pero may incident daw na nakatikim si Luis ng galit ni Alex nang mairita ito sa I Can See Your Voice host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama ang dalawa sa nasabing show ng ABS-CBN.

Kuwento ni Alex, “Ang malala talaga nung nasugatan siya sa akin, yung na-scratch ko siya.

“’Tapos binig-deal nya na ipapa-SOCO na raw niya ako, mga two years ago.

“Si Miss Vilma [Santos, mother ni Luis] nag-message pa ako. 

“Kasi hanggang ngayon, may mark pa siya.

"Kasi naman, pinainom niya ako ng pawis niya.

“Hindi ka ba maiinis nun? So, yun.”

May mga posting din daw si Luis na hindi makikita ang komento ni Alex.

Paliwanag agad niya, “Hindi ko naman kasi nakikita. 

“Pero minsan nakita ko, ang tagal-tagal na, pinu-forward ko sa kanya. 

“Tatawa lang ako, ‘Meron ka palang reply, bwisit ka,’ nagtatawanan kami.

“Constant ‘yan, siguro hindi magpa-pass ang isang linggo na hindi kami nagti-text or hindi kami nag-uusap.”

Hindi ba napipikon ang Ate Toni at Mommy Pinty niya sa mga joke ni Luis?

Tugon ni Alex, “Ang ate ko, talaga sensitive siyang tao.

“Minsan may mga biro si Kuya Luis na kapag narinig niya, ‘Sinong sinabihan ni Luis nang ganun? Ako? 

“‘Bakit ganun, bakit di ka nag-aano?’”

Sagot daw niya kay Toni, “‘Wala naman yun, narinig ko na yun, pang-100 times ko nang narinig yun.’

“Siya kasi, hindi naman niya alam na ganun kami.

"Pero ngayon, kapag nagbibiruan kami, wala na.

“Minsan lang, sabi ni Luis, ‘Tumingin sa akin yung ate mo nung biniro kita, parang hindi niya nagustuhan yung joke ko.’ 

“Pero hindi na nagri-react ang ate ko.”

WINNING TANDEM. Ang sinigurado ni Alex ay imbitado siya sa kasal ni Luis pagdating ng araw.

Sabi pa ng 30 year-old vlogger at TV host, “Siyempre naman, Kuya Luis is the brother I never had.

"Aside from Kuya Paul [Soriano, her brother-in-law].”

Nagkaroon na rin sila ng movie na pinagbibidahan rin ni Vice Ganda, ang This Guy’s In Love With U Mare ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At naniniwala si Alex na panalo ang tandem nilang dalawa ni Luis sa trabaho.

“Kasi hindi ko naman siya binasted, di ba?” patawang paliwanag ni Alex.

At never din daw na nagtangkang ligawan siya ni Luis.

“Hindi, sinasabi ko sa kanya, ‘Kuya Luis, huwag mo akong liligawan, ha?’

“Kapal daw ng mukha ko, never daw.

“Pag iisipin ko, oo nga, sa lahat ng mga naging girlfriend ni Kuya Luis, wala nga akong karapatan.”

Nabanggit din ni Alex ang temperament niyang madaling pumangit ang timpla ng araw niya.

Lahad niya, “Pag meron akong na-plan, nag-effort ako, 'tapos may ibang taong sumira, hindi ko nagawa yung plan ko.

“Pag na-bad trip ako, mabilis lang naman, mawawala rin agad. 

“Ewan ko, sakit na yata yun, may diperensiya ba ako? 

“Pag nainis ako, express ko lang, after nun wala na.

“Hindi naman siya magla-last the whole day,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN