Pia Wurtzbach rejects offer to do Big Brother U.S.

IMAGE Nerisa Almo

Pia Wurtzbach says she rejected the offer to be among the housemates of Big Brother U.S. edition, because it was the same time they were shooting the movie My Perfect You, where she is paired with Gerald Anderson.


Kinumpirma ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na inalok siyang sumali sa Big Brother U.S. edition ngunit tinanggihan niya ito.

“Yes, I was offered to do Big Brother also but it was around the time that we were doing My Perfect You, so this [movie] is my priority.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainmant Portal) at Cinema News si Pia sa blogcon ng My Perfect You, noong March 11, sa Omotenashi Japanese restaurant sa Quezon City.

Katambal niya sa pelikula si Gerald Anderson.

Ibinahagi ni Pia na mapalad siya sa pagkakaroon ng isang supportive at maunawaing boyfriend na tulad ni Marlon Stockinger.

Aniya, “I’m very lucky because he lets me have my moment.

“Even nung nag-Miss Universe ako, he knows, like, to let me shine. So I’m very happy.”

Kuwento rin ni Pia, hindi man makakapunta sa premiere night ng My Perfect You ang boyfriend ay tiyak na manonood ito para magbigay ng suporta sa kanya.

“He’s going to watch in another time because he’s busy.

"He’s very supportive and I’m happy about that."

Hindi rin daw inilahad ni Pia kay Marlon ang buong plot ng pelikula.

“Hindi masyado kasi gusto ko pag pinanood na niya, saka lang niya makikita.

"Ayokong mag-spoil kasi nung kuwento.”

Papuri naman ang sinabi ng beauty queen-actress kay Gerald at sa direktor nilang si Cathy Garcia-Molina.

Pahayag niya, “It was amazing working with them.

“Gerald makes everything easy because he’s very approachable, he’s such a gentleman.

“Now I understand why marami siyang nakaka-leading lady, [with] only good things to say about him because he is really good.

“Si Direk Cathy, she’s one of the best people na I ever worked with.

“Tough love minsan pero it’s [with] good intention and to make the movie perfect.”

Ngayong nasimulan na niyang gumawa ng pelikula, bukas ba siyang gumawa ng teleserye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Pia, “I don’t have time to do teleserye at the moment because the schedule is really busy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN