Tony Labrusca explains why he calls biological dad Boom Labrusca only by first name

IMAGE Mark Atienza / Instagram

Tony Labrusca says that while it may take a while before he can call his biological father Boom Labrusca "Dad," he's still happy that they're slowly building a relationship now. He told PEP.ph, "I really appreciate him being back in my life. It's a blessing."


Nagulat ang entertainment reporters na dumalo sa press launch ng 2018 Star Magic Circle noong Linggo, March 11, dahil "Boom" lang ang tawag ni Tony Labrusca sa kanyang biological dad na si Boom Labrusca.

Si Tony ay lumaki sa Amerika, at naging susi ang pagsali niya sa programang Pinoy Boyband Superstar para magkita muli silang mag-ama.

Pagkatapos nito ay nagtuluy-tuloy na ang showbiz career ni Tony.

Ang tanong tuloy ng marami: may sama ba ng loob si Tony kay Boom kaya hindi niya ito matawag na Daddy o Papa?

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Tony, nilinaw niyang wala siyang tampo o sama ng loob sa ama gaya ng espekulasyon ng iba.

Saad niya, “Kasi, I think, after years of not being with my biological father... I mean, people have to give it to me naman, it’s hard to call him my dad.

“I have to build the relationship with him first, which we have naman.

“My biological dad has taught me so much about show business 'cause he’s been in the industry for so long.

“So, I’m super grateful for that.

“Like I’ve said, yung kapatid ko, siya talaga yung parang naging bridge.

“Mahal na mahal ko ang kapatid ko.

“We got to bond together, everything is really great, and we spend time together.

“Everything is really fun.”

Patuloy pa ng young actor, “Yun nga, yun naman ang showbiz side to it, people like the drama, people like to think that maybe there’s something between us.

“Pero I really appreciate him being back in my life. It’s a blessing.”

Tinanong din namin si Tony kung wala bang financial support na ibinigay sa kanila si Boom habang lumalaki siya sa piling ng ina at ng kanyang stepfather.

Sagot niya, “Wala kaming tinanggap na financial support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, I’m not sure kung may pinag-usapan sila ni Mommy, but I think also my mom wanted to raise me on her own.”

COMPLETE FAMILY. Inamin din ng La Luna Sangre na hindi niya hinanap si Boom noon dahil naramdaman naman niya ang pagmamahal at pagkakaroon ng isang buong pamilya.

Aniya, “Hindi. Growing up, my stepfather and my mother was enough.

“I didn’t feel the need to look for something that is missing 'cause I didn't feel something is missing.

“I have my family and they love me.

“Tha last memory I had with [Boom] was when I was five, then we moved to Canada.

“I came back, and around the time of Pinoy Boyband [Superstar], I met him.

“'Tapos pinakita uli [sa show] na nagkita kami.”

Masaya naman daw si Tony sa pagpapakasal ng ama sa aktres na si Desiree del Valle matapos ng matagal nilang pagiging magkasintahan.

Kuwento ni Tony, “Actually, nakausap ko siya sa concert ni Kisses [Delavin], and hindi rin ako nakasama sa wedding.

“Kasi halos every day yung taping namin sa La Luna Sangre at that time.

“I’m just super happy for my biological dad and Tita Desiree, kasi I can tell that they really click together.

“Magka-jive talaga sila and I’m just really happy that they found the one.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN