Alex Gonzaga doesn't begrudge sister Toni's fame: "Dahil sa ate ko kaya ako nakapasok sa showbiz."

IMAGE Alex Gonzaga Instagram

Alex Gonzaga says she has never thought of her Ate Toni Gonzaga negatively. She said, "I love Toni G. 'cause Toni G. is the best ano [sister]. Totoo, Toni my sister has been the most generous, most supportive, sharing person I've ever met. I would never, ever, think that way."


Inamin ni Alex Gonzaga na sikat man siyang showbiz personality ngayon, iba pa rin ang kasikatang natamo ng kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga.

Bagamat nagbida na rin si Alex sa mga teleserye at pelikula, naging host ng iba’t ibang game show, at mayroong ding product endorsements, kakaiba pa rin ang stature ng kanyang Ate Toni sa entertainment scene.

Pahayag ni Alex tungkol dito, “Siguro iba-iba naman talaga ang tao, kumbaga.

“So, may kanya-kanyang oras o time.

“May kanya-kanya ring way kung paano ka i-bless ni Lord.

“So you just have to be contented and you just have to maximize or utilize whatever God gives you.”

Patuloy ng actress/host/vlogger, “At least ako, dahil sa ate ko kaya ako nakapasok sa showbiz.

“Never kong iniisip yun [as negative].

“Kung ano yung success ng ate ko or fame nun, lahat sini-share niya sa amin yun.

“Never naging selfish ang ate ko.

"Hindi ko iisipin na kung hindi ko siya naging kapatid...

“I would never, ever, think of that because I love Toni G., 'cause Toni G. is the best ano [sister].”

Diin pa ni Alex, “Totoo, Toni, my sister, has been the most generous, most supportive, sharing person I’ve ever met.

"I would never ever think that way."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa press at blogcon niya bilang latest endorser ng Alaska Krem Top, noong March 5.

SISTERS. Sa YouTube vlog si Alex, hindi nakikita kung may mga away o tampuhan sila ng kanyang Ate Toni.

Ipinapalagay tuloy na laging maaliwalas ang samahan ng magkapatid.

Itinanggi ito ni Alex at sinabing nagka-clash din sila ng ate niya.

“Oo naman. May mga moment na bulok na kape siya,” pabirong sambit niya.

“Siyempre, lahat naman ng magkakapatid, nag-aaway.

“So, I think, kami ng ate ko, we’re just normal na nag-aaway rin kami. Nagkakainisan din kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon lang kasi na matanda na kami [madalang na]... hindi naman yung matandang-matanda.”

Sikat man si Toni, may kakaibang karisma rin naman si Alex na kinagigiliwan ng kanyang fans at netizens.

Ito marahil ang dahilan kaya naman kinukuha siyang endorser o image model ng mga sikat na products.

Ano ang ginagawa niya para maaliw sa kanya ang followers at fans?

Natatawang sabi ng 30-year-old vlogger, “Wala lang, maging epal ka lang!

“Hindi ko kasi iniisip na paano bang maging iba.

“Hindi yun ang iniisip ko kung bakit I made a vlog, kung bakit ako umaarte nang ganito.  

“It’s because of what I feel and who I am. Yun yung ginagawa ko.”

TITA ALEX. Sa vlogs at photos ni Alex sa social media, lagi nitong ini-express ang panggigigil at kasiyahan sa pamangkin niyang si Seve—ang anak nina Toni at Paul Soriano.

Sa tanong kung paano siya nabago ng pagdating ni Seve sa buhay nila, sinabi nito sa umpisa na wala namang nabago sa kanya.

Pero pinalitan ni Alex ang sagot niya nang ma-realize na may kakaibang pakiramdam ang naibibigay sa kanya si Seve.

“Actually, doon ko lang na-experience yung love talaga ng tita.

“'Ganito siguro yung nararamdaman ng tita ko.'

“Kasi siyempre, first time kong magka-pamangkin talaga nang sarili. Yun ang naramdaman ko.

“Yung love mo minsan, minsan parang mas love mo pa siya kaysa kapatid mo. Ganun yung feeling.”

Hindi ba napipikon si Toni kapag pinanggigigilan niya si Seve?

“Ay, ayaw lang nun pag ginigising [si Seve].

“Pero ngayon ano na sila, lagi nga silang nagsi-send ng picture ni Seve.

“Lagi siyang anu-ano, hindi naman siya napipikon. Noong una lang, nung bata pa si Seve.”

ALEX'S BOYFRIEND. Very active din si Alex na i-post hindi lang photos nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Mikee Morada kundi pati rin videos nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakita ng pogi sa La Union!

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Marami sa mga tagahanga niya ang nag-aabang kung kailan naman siya magpapakasal.

Sa isa sa mga naunang interview ni Alex, sinabi nitong gusto niyang pagdating ng 30 years old ay kasal na siya at may sarili nang pamilya.

Komento niya tungkol dito, “Ah, not this year definitely, kasi ikakasal yung kapatid [ni Mikee].”

Napag-uusapan na ba nila ni Mikee ang pagpapakasal?

“Okey lang,” tugon ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN