First-ever Miss Philippines Earth Italy hounded by controversies; host announces wrong winner

IMAGE Courtesy of MPEI Facebook page

Nabahiran ng kontrobersiya ang kauna-unahang Miss Philippines Earth Italy, kabilang na ang maling pag-aanunisyo ng host sa winner.


Halos isang buwan na ang nakalilipas mula nang idaos ang coronation night ng Miss Philippines Earth Italy 2018 na ginanap sa Teatro Vigano, Rome, Italy, noong February 18.

Pero pinag-uusapan pa rin ng Filipino community roon ang maling announcement ng winner tulad ng naranasan ni Pia Wurtzbach nang sumali ito sa Miss Universe noong 2015.

Lumitaw sa internet ang video ng controversial coronation night, na isa lamang sa mga ipinoprotesta ng mga magulang ng official candidates.

Pinararatangan ang organizers at judges ng Miss Earth Philippines Italy na may pinaboran na kandidata.

Ito ay ang winner na si Celeste Silvia Cortesi, na sumablay sa question-and-answer portion pero nanalo dahil naghakot siya ng special awards.

Dahil sa kanyang pagwawagi, si Cortesi ay magiging kandidata sa Miss Earth Philippines 2018.

Hindi rin ikinatuwa ng ilang manonood ang pagpayag ng organizer ng Miss Earth Philippines Italy na ulitin ang sagot ng isang contestant sa question-and-answer segment dahil hindi siya satisfied sa interpretasyon sa sagot niya.

Isyu rin sa Miss Earth Philippines Italy ang diumano’y pagbabayad ng mga kandidata ng 1,000 euros each para makasali sa nabanggit na beauty pageant.

Reportedly, patakaran ng Carousel Productions, organizer ng Miss Earth at Miss Earth Philippines, ang Facebook voting ng Miss Earth Philippines Italy, pero may bayad na US$100 ang pagboto.

Ang pageant emcee na si Menggay Brocano Fernando ang nagkamali ng announcement ng winner kaya nag-boo ang audience.

Pinaakyat sa stage ang mga magulang ng candidates ng Miss Earth Philippines Italy upang ipakita sa kanila ang score sheet ng tabulators bilang patunay na walang naganap na dayaan.

Naghanap ng eyewitness ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nangyaring insidente.

Nakausap namin ang Filipina make-up artist sa Italy na si Meryle Cabautan Apelado, na nagpatunay na totoo ang mga isyu tungkol sa kontrobersiyal na coronation ng Miss Philippines Earth Italy.

Saksi si Apelado sa mga nangyari dahil isa siya sa mga make-up artist ng nabanggit na beauty contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Yung isang winner, si Number 10 [Roxanne Marqueses Gonzales], inulit ang question niya after 15 minutes na tapos na ang hashtag Q&A nila.

"Kasi raw, hindi siya happy sa interpretation sa sagot niya.

“Twice na ginawa ang consideration na yun sa kanya dahil sa Tagalog siya sumagot and, of course, malaki ang advantage dahil napapaganda ang sagot.

"Nanalo siya na fourth runner-up."

Nagpaliwanag din si Apelado tungkol sa US$100 na bayad para sa Facebook voting ng Miss Philippines Earth Italy.

“Yung 100 dollars, for voting sa Facebook. Meron multiple choice, according sa isa sa parent ng candidates.

“Higher choice, more votes. Five hundred votes ang equivalent ng US$100.

"Talamak ang mga beauty pageant dito sa Italy. Mataas mag-raket.

"In the end, walang pinagkakapuntahan ang winners," ang sabi ni Apelado.

Pinatotohanan din niyang marami ang nagpoprotesta sa panalo ni Celeste Silvia Cortesi dahil hindi raw ito deserving na i-represent ang Filipino community sa Italy sa Miss Philippines Earth 2018.

Sabi ni Apelado, "Marami ang hindi masaya na siya ang magre-represent sa Italy sa Miss Philippines Earth.

"Wala siyang breeding sa video na pinost niya.

"Nagtuturo siya sa video ng translation ng bitch at 'F' word sa isang non-Italian speaking guy."

Bukas ang PEP.ph sa panig ng organizers at mga kandidatang nabanggit sa artikulong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN