Piolo Pascual on relationship with Shaina Magdayao: "Magsi-six years na. In fairness, di ba?"

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual on Shaina Magdayao: "Shine and I are in a situation na we're two consenting adults and we know where we stand in each other's lives."


Pabirong inamin ni Piolo Pascual na hindi naman talaga sila naghiwalay ng rumored girlfriend niyang si Shaina Magdayao.

Ito ay kasunod ng kumalat na hugging photo nila ni Shaina sa red-carpet premiere ng Ang Panahon Ng Halimaw sa 68th Berlin International Film Festival noong Pebrero.

Nagkabalikan ba sila mula sa kanilang on-and-off relationship?

Tugon ng 41-year-old Kapamilya matinee idol, “Wala, e. Hindi naman kami naghiwalay.

“Shine [Shaina] and I… we’re just busy, but what you see is what you got with us."

Dagdag pa ni Piolo, “Wala naman kaming itinatago.

"Kung makikita niyo naman kaming ganun, that’s really just how we are.”

Ano ang kahulugan sa nauna niyang sinabing hindi naman talaga sila naghiwalay?

Sagot niya, “Wala naman kaming inamin din. Wala namang dapat aminin.

“Hindi, kasi ba't naman kami maghihiwalay, wala naman kaming aaminin?

"I mean, you know, Shine and I are in a situation na we’re two consenting adults and we know where we stand in each other’s lives."

Diretsong tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor: Parang ang tagal na rin ninyo, 'no?

Nakangiting sagot ni Piolo, “Magsi-six years na. In fairness, di ba?

"Okay naman, so far, so good."

Nakausap ng PEP.ph at ilang bloggers si Piolo sa set visit ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN compound, kahapon, March 13.

Isa na sa regular cast si Piolo sa show matapos itong iwanan ng dating bidang si John Lloyd Cruz.

QUALITY TIME WITH SHAINA. Kumusta na sila ni Shaina ngayon?

Sagot ni Piolo, “Okay naman, Shine is busy as I am.

"We have the same taping days. We hardly see each other.

"Yung mga ganun [sa Berlin], we really make sure na we make the most out of it, kasi minsan lang yun, e.

“It’s our first time in an international film festival, we made sure na mag-enjoy siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN