Kris Aquino lists down her requirements for Bimby's future girlfriend

IMAGE Instagram (@krisaquino)

Kris Aquino says she is now ready if Bimby decides to have a girlfriend. But the TV host-actress has several demands to whoever her youngest son would date.


Aminado si Kris Aquino na magiging demanding siya sa future girlfriend ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, March 13, sinabi ng host-actress na mabilis ang paglaki ng kanyang anak sa dating asawang si James Yap.

Sa April 19 ay ipagdiriwang na ni Bimby ang kanyang 11th birthday.

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong kung handa na ba si Kris sakaling magkaroon na ng girlfriend ang bunsong anak.

“Yes,” sagot ni Kris.

Pero may mga kundisyon daw siya sa magiging girlfriend ni Bimby.

“We have a deal, I have to like her Mom & she has to be smart, studious, prayerful, and pretty,” sabi ni Kris.

Idinagdag din niya ang hashtag na "#demanding."

 


Stories We Are Tracking

Kris proud of Bimby's response to
Kris proud of Bimby's response to "homosexual" tag
Kris Aquino hits back at basher for calling her son
Kris Aquino hits back at basher for calling her son "gay"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN