Jasmine Curtis Smith on critics of rumored teamup with Alden Richards: "Spare me from the hurt."

IMAGE Instagram @leysam17 / Rachelle Siazon

Jasmine Curtis Smith on speculations about her rumored TV project with Alden Richards: "Ayoko lang ma-take out of context if ever I get to work with someone who has a love team na existing."


Wala pa mang opisyal na kumpirmasyon na Kapuso na si Jasmine Curtis Smith, 23, may mga lumabas nang espekulasyong nakatakdang makatambal niya si Alden Richards, 26, sa isang TV project.

Noon pa lang December 2017 ay may ilang fans na ng tambalang Alden at Maine Mendoza ang nagpahayag ng disgusto sa posibilidad na ibang aktres ang makapareha ng Kapuso actor.

May iba ring netizens ang nagsasabing hindi isyu sakaling maging leading lady ni Alden si Jasmine.

Sa totoong buhay kasi ay happy at in love naman ang dalaga sa non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

Ngunit nilinaw ni Jasmine na walang katotohanan ang bali-balitang makakatambal niya si Alden.

Pahayag ni Jasmine, “I dunno kung saan nanggaling yun or sinong nagpasimula.

“Pumirma na raw ako, may show na raw ako, with Alden daw…

“There’s no truth to that. Wala akong knowledge with a show with Alden.

“So please, spare me from the hurt.”

Gayunman, naiintindihan daw ni Jasmine ang halu-halong reaksiyon ng fans sa posibilidad na makapareha niya si Alden, na kilalang ka-love team ni Maine. 

Pahayag niya, “You can’t also blame them or get mad at them.

"For them, that’s who they want to adore or give their time or love or spend their money on.

“Respect ko na lang din yun sa kanila.

“For me, yung online, it’s just learning how to not take it personally. Kasi, on my end, it’s just work.

“I have a personal relationship with someone else and they are also friends.

“So, ayoko lang ma-take out of context if ever I get to work with someone who has a love team na existing.”

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa store opening ng Longchamp sa Rustan's Makati, kagabi, March 13.

NO TV CONTRACT YET. Taliwas sa usap-usapan sa social media, sinabi ni Jasmine na wala pa siyang opisyal na kontrata sa GMA-7. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I haven’t signed any contract with any TV networks.

“I haven’t also officialized anything with anyone. Everything’s still usap-usap pa lang.”

Gayunman, hindi isinasara ni Jasmine ang pintuan sakaling bigyan siya ng pagkakataong makatrabaho si Alden sa GMA-7.

“Well, if that’s what the executives want, ayaw ko naman tumanggi—if ever i-offer.

“Everything naman will be laid out according to how GMA or ABS-CBN will plan things for me, should I go with a network.”

Ayon pa sa dalaga, hindi siya mapili kung sino man ang ipareha sa kanya o maging sa TV network na pagtatrabahuan niya.

“Whoever will work with me, we can be in harmony, we can work well together.

“Wala sa akin yung network eme eme na ‘yan! Basta may work, basta gusto nila ako, go!”

Kung saka-sakali, hindi ito ang unang pagkakataong makakatrabaho ni Jasmine si Alden.

Nakasama siya sa launching movie nina Alden at Maine na Imagine You And Me noong 2016.


Stories We Are Tracking

Is Jasmine Curtis Smith already a Kapamilya?
Is Jasmine Curtis Smith already a Kapamilya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN