Queenie Padilla to KC Concepcion: "You are beautiful inside and out"

IMAGE queeniepadilla.com / Instagram

Queen Padilla (left), daughter of Robin Padilla, salutes KC Concepcion (right), daughter of Sharon Cuneta, for her recent outreach program in Marawi City. 


Saludo si Queenie Padilla kay KC Concepcion dahil sa pagtungo nito sa Marawi City, Lanao del Sur, upang abutan ng tulong ang mga residenteng nasalanta at nadamay sa giyera na sumiklab sa lugar noong 2017.

Bumisita ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Marawi nitong Martes, March 13.

Kasama niya ang kinakatawang organisasyon na World Food Programme ng United Nations.

Sa Instagram, nag-post si Queenie ng larawan ni KC na nakasuot pa ng hijab o ang veil na isinusuot ng mga kababaihang Muslim.

Sabi ng anak ni Robin Padilla tungkol kay KC, “She looks absolutely stunning in hijab.

“10 years she has served in the UN. What a wonderful achievement!

"Keep shining and flying @itskcconcepcion you are beautiful inside and out and an inspiration for Filipino women. :) #Marawi #marawiheroes#prayformarawi”

Ang ama ni Queenie na si Robin at ang ina ni KC na si Sharon ay dating naging onscreen partners at naging real-life couple, pero hindi nagkatuluyan. 

Muling nagtambal sina Sharon at Robin para sa Star Cinema movie na Unexpectedly Yours noong 2017. 

Samantala, sunud-sunod ang posts ni KC sa kanyang Instagram account ng pictures at videos mula sa pagbisita niya sa Marawi.

Ibinahagi pa ng actress-TV host kung gaano kahalaga ang outreach programs na ito sa kanya.

“These trips are so valuable to me—the people I meet and come in close contact with up in the mountains make me realize how ONE PERSON can impact you in more ways than you can imagine.

“Also, some of our problems are NOTHING compared to what these people have gone through. And yet, they choose to be happy. Keep your circle positive and always CHOOSE TO BE HAPPY.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN