Christopher de Leon speaks up about accident on Kambal Karibal set

IMAGE Noel Orsal

Veteran actor Christopher de Leon decides to speak up about his accident on the set of Kambal Karibal for the TV productions to be more careful.


Na-discharge na si Christopher de Leon sa Asian Hospital noong Lunes, March 12.

Ito ay matapos siyang operahan sa hita para tanggalin ang bumaon na adaptor mula sa baril na ginamit ni Marvin Agustin sa death scene ni Christopher sa GMA-7 prime time series na Kambal Karibal.

Ayon sa beteranong aktor, magsasalita siya tungkol sa insidenteng ito upang maiparating sa mga kapwa artista at produksiyon ang karanasang hindi raw niya akalaing mangyayari pa sa kanya sa loob ng halos apat na dekada sa propesyong ito.

Pahayag ni Boyet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang gusto ko lang iano na… kasi papa’no yung, like for example, yung mga bit players na kasama sa action or kasama sa mga eksenang may barilan, ganun? Will they take care of them also?

“Kasi, sa akin nangyari, puwede mangyari sa iba.

“Puwedeng mangyari dun sa mga, like, yung mga stuntmen, yung pinapasabugan, binabaril, di ba?

“Ano ang assurance ng mga artista from mga unfortunate incidents na ganito?”

Patuloy niya, “Ako kasi, kampante na ako, e. I’ve been doing this for ages already, e.

“I’ve been doing this for a long time already, yung mga barilan-barilan, ganun.

“Kaya lang, ngayon lang ito nangyari sa akin.”

Kaya raw ito nasabi ni Boyet dahil hindi niya akalaing ang mga ganung eksena, kung saan gumagamit ng baril at blank bullets, puwede rin daw palang ikamatay.

“Parang bala na yung tumama sa akin,” pakli ng aktor.

“Sabi ng doctor, ‘Buti diyan ka lang tinamaan.’

“Kung sa ibang parte ng... like, yung groin mo, instantly, patay ka daw, sabi ng doctor.

“Yung bumaon sa akin, like, yung four-inches deep.

“So, nahirapan silang tanggalin.”

ISOLATED CASE. Ipinadala ng misis ni Boyet na si Sandy Andolong sa PEP.ph ang kuha sa adaptor na natanggal sa hita ng aktor.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng isa sa mga gumagawa ng effects sa shooting at tapings, napaka-isolated ang kasong natatanggal ang adaptor sa baril.

Dahil iyon daw ang nagpapaputok sa baril na ginagamit sa mga action scene.

Ang nangyari raw kay Boyet ay talagang kakulangan o pagkakamali ng may hawak ng effects at caretaker ng baril.

Hindi raw tiniyak ng mga ito na mahigpit ang kapit sa loob para hindi tumalsik pag ipinutok na.

Dagdag pa ng premyadong aktor, “Pagkatapos, gastado na yung adaptor na ginamit. Nakita mo, may mga kalawang na?

“Kaya pagkukulang din talaga yung sa effects."

Ito ang dahilan kaya binigyan siya ng tetanus shots, at tiniyak na na-drain nang husto ang dapat tanggalin sa malalim na sugat sa kanyang hita.

Bukod pa rito, dahil baril ang involved, inimbestigahan na raw ito ng CID o Crime Investigation Division.

Pero ang gusto sanang iparating na mensahe ni Boyet, maging maingat na ang mga produksiyon at ang mga network, na kung sakaling may ganitong pangyayari, mabigyan ng tamang atensiyon ang lahat na artist—malaki man o maliit.    

Pero mas mabuting maging maingat, at tiyaking safe ang lahat lalo na kapag kinukunan ang mga ganung maselang eksena.

Dagdag na kuwento ni Boyet, “Michael de Mesa called me up last night.

“Kasi, di ba, kasama siya sa Ang Probinsyano? E, bakbakan lagi dun, di ba? Barilan lagi dun.

“Safety daw talaga, triple check sila, sabi niya.

“Meron silang tao to take care of the safety of the… yung mga effects.

“Yung mga baril nila, yung mga pasabog, yung mga gagamitin para sa mga action scenes, meron silang isang tao to take care of that.”

LESSON LEARNED. Kaya magsilbing leksiyon daw sana ito para sa lahat na maging maingat.

Dapat din daw may insurance para kung sakaling may mangyaring ganung aksidente, may insurance na sasagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti at inayos naman daw ng GMA-7 ang lahat na gastusin ni Boyet.

Binayaran daw ang lahat na hospital bills niya, at hindi na pinasagot sa supplier nitong humahawak ng effects.

Pero ganun din daw sana ang ibigay na atensiyon sa lahat, hindi lang sa mga artistang kagaya niya.

Saad ni Boyet, “Sinabi ko sa kanila, hindi ako maghahabla, kahit kapabayaan talaga nung sa effects.

“Sabi ko, ‘Pasensiya na kayo, magsasalita ako.’

“Kasi hindi lang… maayos nga at ito lang yung nangyari sa akin. Sa akin nangyari ‘to.

“Pero papa’no yung iba, kung mga ibang artista, yung mga stuntmen, yung mga ano, sasagutin din ba nila yun?

“Sasagutin din ba ng produksiyon yun, nung effects group? Sasagutin ba nila?

“Dapat talaga merong insurance.” 

Bukas ang PEP.ph sa panig ng GMA Network at ng may hawak ng special effects ng Kambal Karibal kaugnay ng naging mga pahayag ni Christopher de Leon.


Christopher de Leon, naaksidente sa last taping day niya sa Kambal Karibal
by posted on March 11, 2018 6:54 pm

NOEL FERRER: Marami ang nakapansin na paika-ika si Papa Boyet de Leon nang nagkaroon ito ng outreach sa Marawi.

Marami ang nagtatanong, napapaano raw ito, maysakit daw ba siya?

Napag-alaman naming aksidenteng tinamaan siya sa may bandang hita sa last taping niya sa GMA teleserye na Kambal Karibal.

Death scene niya dapat ito. Supposedly, babarilin sya ni Marvin Agustin. Tinamaan siya sa hita ng parte ng blank bullet sa lakas daw ng lagay ng powder.


In fairness sa executive producer ng programa, nag-volunteer naman daw itong sasagutin ng produksyon ang gastusin ng pagpapagamot ng aktor.

Akala ng lahat ay okey lang at natamaan lang ng konting wax o powder.

Wala nang time noon sa Boyet na magpatingin sa hospital kasi late na sila sa pagpunta sa Marawi.

Ngunit nang pumunta na sa ER ng Asian Hospital para patingin yung wound, kasi masakit na talaga at iika-ika na si Boyet, pina-X-ray sa doctor at may nakitang dapat operahan para alisin.

Ang tanong, sino ang may accountability nito—ang caretaker ba ng baril at ang production? Ano kaya ang tugon nila rito?

Ayon sa kaibigan naming doctor ng Asian Hospital, kung tumaas pa raw yung tama sa groin ni Papa Boyet ay delikado at puwedeng naging fatal daw ito.

Ano kayang safeguards ang kailangang gawin para di na maulit ang mga ganitong pangyayari sa mga taping/shooting?

JERRY OLEA: Fatal. Ibig sabihin, malaki ang chance na ikamatay.

Hindi biru-biro ang nangyari. Buhay ang nakataya.

Kailangang aksyunan ito upang hindi na maulit.

Dapat managot ang may pagkakamali o pagkukulang.

GORGY RULA: Katatapos lang ng operasyon kay Boyet, at nasa recovery room na siya ngayon ng Asian Hospital.

Linawin lang natin na hindi naman nagpabaya ang buong production staff ng Kambal Karibal sa kasong ito ng aktor.

Sa katunayan, nakatakdang dumalaw ngayon ang supplier ng baril dahil nangako naman silang sasagutin nila ito at hindi nila pababayaan hanggang sa gumaling si Boyet.

Pati pala ang CIDG ngayon ay involved na dito dahil nangyari ito at may baril na involved. Kaya nakatakda silang mag-imbestiga.

Magsisilbing aral ito sa lahat network at production na maging maingat sa mga ganitong maseselang eksena.

Naging isyu ito ngayon dahil si Christopher de Leon ang sangkot.

Paano kung ang mga maliliit na artista, mga bit players na walang boses na magreklamo?

Kaya magsisilbing eye opener ito sa movie and TV industry na huwag na sanang umabot pa sa sitwasyong mas malala pa ang mangyari.

Mag-iingat talaga.

Aksidente ni Christopher de Leon sa taping, tututukan ng KAPPT
by posted on March 12, 2018 6:37 pm

GORGY RULA: Nakarating na sa KAPPT o Katipunan ng mga Artistang Pilipino ng Pelikula at Telebisyon ang kaso ni Christopher de Leon.

Inalam ng KAPPT President Imelda Papin ang eksaktong pangyayari sa taping ng Kambal Karibal, kung saan aksidenteng tinamaan nang matindi ang aktor sa death scene nito sa naturang drama series ng GMA-7.


Sabi ni Imelda, tamang-tama lang dahil talagang ito na ang susunod na pag-uusapan sa board ng KAPPT—kung paano mabigyan ng proteksiyon ang mga artistang nasa taping o shooting.

Saad ni Imelda, “Actually, we’ll be concentrating on this now.

“Nung umupo ako, nag-concentrate muna ako sa SSS na mabigyan ang mga members, pagkatapos ang PhilHealth na covered ang mga actors, actresses, stuntmen.

“We already discussed that sa board, at yun ang aming i-concentrate on how to deal with it, kung paano maproteksyunan ang mga artista natin pagdating sa shooting.

“Kasi responsibility talaga 'yan ng mga producers.

"Kailangan talaga ay obligasyon din ng mga producers na alagaan ang mga artista, hindi lang yung binabayaran nila.

“Ngayon na nangyari ngayon ito kay Boyet, I think mas mapapadali.

"Kasi, how much more yung mga maliliit na artista na hindi naman nila niri-report o nirereklamo?"

Gustong iparating ni Imelda sa lahat na mga artista, malaki man o maliit, bukas ang tanggapan ng KAPPT sa lahat na mga hinaing o problema nila sa trabaho bilang artista.

“Our office is open. May office po tayo sa Mowelfund, meron din tayo office sa SSS sa may East Avenue.

“Any incident na nangyayari ang ganun, I hope they can go to our office and get in touch with us,” sabi pa ng KAPPT President.

Samantala, ipinadala sa amin ni Sandy Andolong ang litrato ng suppressor ng baril na tinanggal sa hita ng mister niyang si Boyet.


Iyon ang dahilan kung bakit hindi halos makakalakad si Boyet dahil sa nakabaon nito sa hita niya. Mabuti at natanggal na, at okay na raw siya ngayon, at nagpapagaling na.

Regular namang nagtsi-check ang staff ng Kambal Karibal sa kalagayan ngayon ni Boyet.

Inaayos naman ito ng manager niyang si Lolit Solis sa GMA-7, na nangakong hindi nila pababayaan ang aktor.

JERRY OLEA: Mahigit apat na dekada nang artista si Christopher de Leon.

Napakarami nang pagbabago sa teknolohiya, kabilang sa special effects sa TV at pelikula.

Kaya may windang factor ang ganitong klase ng aksidente, na hindi na dapat maulit.

Kailangan ang ibayong ingat sa mga delikadong eksena.

NOEL FERRER: Aantabayan natin ang aksiyon ng Actor’s Guild dito para beyond Boyet, may institutionalized action sa mga ganitong mga pangyayari para sa proteksiyon ng mga artistang Pilipino.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN