9262 Club: Female celebrities who filed cases against their husbands

IMAGE Noel Orsal / Sugar Mercado on Facebook

Republic Act 9262, popularly known as the Violence Against Women and their Children Act, aims to protect family members especially women and children from abuse. Some of the celebrities who filed this case were (L-R) Kris Aquino, Claudine Barretto, Sunshine Cruz, Sugar Mercado, and Sunshine Dizon. 


Parami nang parami ang mga babaeng artistang nagiging miyembro ng “9262 Club.”

Ang "9262 Club" ay tumutukoy sa mga babaeng artista na nagsampa ng kasong may kaugnayan sa paglabag sa Republic Act (R.A.) 9262, o Violence Against Women and their Children Act (VAWC), laban sa kanilang mga asawa o dating karelasyon. 

Kabilang sa mga artistang ito sina Kris Aquino (laban sa dating asawang si James Yap), Sunshine Cruz (laban sa asawang si Cesar Montano), Claudine Barretto (laban sa asawang si Raymart Santiago), Sugar Mercado (laban sa asawang si Kristofer Jay Go), at Sunshine Dizon (laban sa asawang si Timothy Tan).

Layunin ng R.A. 9262 na maproteksyunan ang mga kababaihan laban sa kanilang mga asawa o dating nakarelasyon sa pananakit o anumang uri ng pang-aabuso.

Paano nga ba humantong sa usaping legal ang mga pinagsamahan ng mga artistang nabanggit?

Bakit kailangan nilang sumailalim sa mapanuring opinyon ng mga tao sa pagladlad ng kanilang problema sa publiko?

Ngayong International Women’s Month, ating balikan ang ilan sa mga artistang ipinaglaban ang kanilang karapatan laban sa diumano’y pang-aabuso ng kanilang mga dating asawa at karelasyon.

KRIS AQUINO


Taong 2010, inamin ni Kris sa panayam sa kanya ng dating programang The Buzz ng ABS-CBN na tinuldukan na nila ng basketball superstar na si James Yap ang kanilang limang taong pagsasama.

Ikinasal sila sa civil rites noong 2005. January 2012, na-annul ang kanilang kasal.

Mayroon silang anak, si James ‘Bimby’ Aquino Yap Jr., na tatlong taon lamang noong panahong sila ay naghiwalay.

Taong 2013, nagsampa si Kris ng Temporary Protection Order (TPO) sa Makati Regional Trial Court (Makati-RTC) laban kay James.

Ang TPO ay nasa Section 8 ng R.A. 9262. Nakasaad sa reklamo ni Kris noon na diumano ay gusto ni James na makasiping pa siya kahit hiwalay na sila.


Stories We Are Tracking

<strong>PEP EXCLUSIVE (Third of 3 Parts). </strong>Kris Aquino wants Permanent Protection Order against ex-husband James Yap
PEP EXCLUSIVE (Third of 3 Parts). Kris Aquino wants Permanent Protection Order against ex-husband James Yap
James Yap finally speaks up about
James Yap finally speaks up about
Kris Aquino and James Yap fight over Bimby
Kris Aquino and James Yap fight over Bimby
Kris Aquino files temporary protection order against James Yap
Kris Aquino files temporary protection order against James Yap

CLAUDINE BARRETTO


November 2002 opisyal na naging magkasintahan sina Claudine Barretto at Raymart Santiago, ilang buwan pagkatapos ng kamatayan ng boyfriend ng aktres na si Rico Yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lihim silang nagpakasal sa isang civil wedding ceremony sa Cauayan, Isabela, noong May 2, 2004.

Ginanap ang kanilang engrandeng kasalan sa Tagaytay Highlands noong March 27, 2006.

Mayroon silang dalawang anak, sina Sabina at Santino Santiago.

Ngunit matapos ang halos labing-isang taong pagsasama, naghiwalay rin ang dalawa noong 2013.

July 29, 2013, nagsampa si Claudine ng kasong Temporary Protection Order (TPO) laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court (Marikina-RTC).

August 29 nang magsampa si Claudine ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women And Their Children Act laban kay Raymart.


Stories We Are Tracking

Claudine files violation of R.A. 9262 against Raymart
Claudine files violation of R.A. 9262 against Raymart

Sa sinumpaang salaysay ni Claudine, ibinunyag niya ang pananakit na natamo niya diumano mula kay Raymart sa loob ng mahabang panahon.

Saad pa ni Claudine noon sa isang panayam, “My life with Rozelle Raymond Martin Santiago [Raymart's real name] was a vicious cycle of violence, abuse, battery, and exploitation.

“During the years that I have been with him, I have been in a constant fearful state of mind because I was cyclically abused and controlled over a period of time.”

SUNSHINE CRUZ


September 2000 ikinasal si Sunshine Cruz sa aktor na si Cesar Montano.

Mayroon silang tatlong anak na babae—sina  Angelina, Samantha, and Chesca Montano.

January 2013, naghiwalay ang dalawa matapos ang halos labintatlong taong pagsasama dahil diumano sa kaugnayan ni Cesar sa starlet na si Krista Miller.

 


Stories We Are Tracking

Krista Miller denies affair with Cesar Montano:
Krista Miller denies affair with Cesar Montano: "Walang katotohanan ang lahat."

Kasunod nito, naghain si Sunshine ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act laban kay Cesar.

Nakapaloob sa reklamo ang lahat ng klase ng pang-aabusong naranasan diumano niya mula kay Cesar, kabilang na ang psychological, emotional, at financial abuse.

August 2013, naghain ng reklamong rape ang aktres dahil sa diumano’y puwersahang pakikipagtalik nito sa kanya noong May 12, Araw ng mga Ina.

May kaugnayan pa rin sa R.A. 9262 ang inihaing reklamo ni Sunshine.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz claims Cesar Montano
Sunshine Cruz claims Cesar Montano "raped" her on Mother&a

Pebrero 3, 2015, nag-file si Sunshine ng kasong Violence Against Minor Daughters sa ilalim ng Republic Act 9262 at Republic Act 7610 o Child Abuse sa Quezon City Prosecutor's Office laban kay Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dahilan: ang malaswang eksena ni Cesar na diumano'y nakita mismo ng kanyang mga anak.

Ayon sa salaysay ni Sunshine, may ginawa umanong hindi kaaya-ayang bagay si Cesar sa harap ng kanyang tatlong anak na babae kaya minabuti ni Sunshine na maghain ng reklamo sa husgado.


Stories We Are Tracking

<p>Sunshine Cruz tells her daughters to be brave</p>

Sunshine Cruz tells her daughters to be brave


 

Sa ngayon, hinihintay ng aktres na mapawalang-bisa na ang kanilang kasal.

SUGAR MERCADO


Isa sa mga sumikat na miyembro ng SexBomb Girls noon ay si Sugar Mercado.

Bukod sa pagkakaroon nila ng longest-running afternoon series sa GMA-7 na Daisy Siete, naging household name din ang kanilang mga pangalan at nagkaroon ng kanya-kanyang career.

Ikinasal si Sugar taong 2011 sa Chinese businessman na si Kristofer Jay Go.

Nagbunga ang kanilang samahan ng dalawang babaeng anak—sina Olivia at Gabrielle.

Taong 2015, naghiwalay ang dalawa.

Humantong sa korte ang kanilang hiwalayan nang sampahan ni Sugar ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Childen Act si Kristofer.

Ayon pa sa kanya, biktima siya ng paulit-ulit na emosyunal at pisikal na pang-aabuso ng kanyang mister mula 2011.

Isinama rin niya sa reklamo ang mga magulang ng mister.


Stories We Are Tracking

<p>Sugar Mercado files VAWC complaint against husband</p>

Sugar Mercado files VAWC complaint against husband


July 2016, idinaan ni Sugar sa Facebook Live ang kanyang hinanakit sa pagkabaligtad ng kasong isinampa niya laban sa asawa.

March 2017, naghain si Sugar ng reklamo sa Supreme Court ng petition for writ of prohibition and certiorari with urgent prayer for the issuance of a temporary restraining order (TRO).

Ito ay sagot nila sa kontra-demanda naman ng mister na child abuse, libel, at physical injuries laban sa kanya na naglalayong takutin lamang diumano siya.


Stories We Are Tracking

Sugar Mercado seeks help from SC against estranged husband
Sugar Mercado seeks help from SC against estranged husband

Nasa kustodiya ngayon ni Sugar ang kanyang dalawang anak at isa na siyang advocate laban sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan.

SUNSHINE DIZON


Taong 2010, nagpakasal si Sunshine Dizon sa kanyang nobyong piloto na si Timothy Tan sa isang simpleng kasalan sa Valley Verde Country Club, Pasig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon sila ng dalawang anak—sina Doreen at Anton.

Ngunit matapos ang halos anim na taong pagsasama, naghiwalay ang dalawa noong June 2016 dahil sa diumano’y third party.

Kalaunan, napag-alaman na may kalaguyo raw si Timothy, sa katauhan ni Clarisma Sison.


Stories We Are Tracking

Who is the woman in Sunshine Dizon's Instagram posts?
Who is the woman in Sunshine Dizon's Instagram posts?
Sunshine Dizon's husband confirms marital problems
Sunshine Dizon's husband confirms marital problems

Kasunod nito, nagsampa si Sunshine ng reklamong Anti-Violence Against Women and their Children Act (VAWC) o R.A. 9262 sa Quezon City Regional Trial Court.

Naghain din siya ng concubinage case laban kay Timothy at sa diumano’y karelasyon nito.

Noong August 2016, nagharap sa kauna-unahang pagkakataon si Sunshine, ang estranged husband nitong si Timothy, at ang diumano’y third party sa kanilang hiwalayan na si Clarisma, sa tanggapan ni Senior Asst. City Prosecutor Fabinda delos Santos sa Judge Cecilia Munoz Palma Hall ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC).


Stories We Are Tracking

Clarisma Sison faces Sunshine Dizon and Timothy Tan in court
Clarisma Sison faces Sunshine Dizon and Timothy Tan in court

Ngayon, civil na ang relasyon nina Sunshine at Timothy alang-alang sa kanilang mga anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN