Albert Martinez still loveless three years after wife Liezl's death

IMAGE Instagram / Kar Montaner

Albert Martinez on finding love again: "Honestly, I'm not looking for it. Pero if it comes, God-given, why not? Pero now, hindi siya part ng consciousness ko to have someone."


Ngayong araw, March 14, ang third death anniversary ng misis ni Albert Martinez na si Liezl Sumilang-Martinez.

Sumakabilang buhay si Liezl, sa edad na 47, dahil sa cancer noong 2015.

Sa loob ng tatlong taon mula nang pumanaw ang kanyang misis, ibinuhos ni Albert ang halos lahat ng oras niya sa trabaho.

Kaya tuwing may magtatanong kung handa na ba siyang muling magmahal o pumasok sa bagong relasyon, mabilis ang sagot ng aktor na hindi siya naghahanap.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Honestly, I’m not looking for it.

“Pero if it comes, God-given, why not?

“Pero now, hindi siya part ng consciousness ko to have someone.

“Kasi, I’m preoccupied na rin sa mga anak ko ngayon, and I’m so excited to see my granddaughter.

“’Tapos, ang trabaho naman, dire-diretso.”

Ang panganay niyang anak na si Alyanna Martinez ay nagsilang noong January 2018 sa unang anak nila ng asawang si Roy Macam. Sa Califiornia, USA nakatira ang kanilang pamilya.

Hindi raw nararamdaman ni Albert na dahil wala siyang special someone, may kulang sa buhay niya.

Naging blessing daw talaga sa kanya ang sunud-sunod niyang trabaho.

Ayon sa 56-year-old actor, “When Liezl left, ABS-CBN came to the rescue right away.

“After three weeks of mourning, binigyan kaagad ako ng All of Me.

“Hindi pa ako tapos sa All of Me, binigyan ako agad ng Ang Probinsyano.  

“Wala akong moment na malungkot.

“Actually, nawalan ako ng moment na mag-mourn.

“I was busy up to now. Yung suffering part, na-lessen.”

Kasalukuyang napapanood si Albert sa dalawang prime time series sa ABS-CBN: The Good Son at Bagani.

THE GREATEST LOSS. Ang hindi raw mawawala, yung lungkot na wala na talaga ang kanyang asawa.

“Hindi mawawala yun,” sambit ni Albert.

“I’m surrounded by memories. I’m surrounded by love, our great time together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi ganun kadali na burahin ko na lang lahat ‘to. Hindi ganun, e.”

Pagdating daw niya ng bahay, dahil sa pagod, ay nakakatulog siya agad. Paggising naman niya at trabaho siya agad.

Sabi pa ni Albert, “Maganda rin yung nangyari sa akin. 

“Imagine mo, kung wala kang ginawa, yung suffering nun, puwedeng mag-cause sa akin ng long-term.

“May depression yun for sure.”

PREPARING HIMSELF. Kung hindi raw nawala si Liezl, 30 taon na raw sana silang kasal.

May sarili nang pamilya si Alyanna, kaya sina Alfonso at Alyssa na lang ang kasama ni Albert ngayon.

Pero hindi malayong mag-asawa na rin ang dalawa niyang anak.

Ayon kay Albert, handa na siya kung dumating man ang araw na iyon.

“Well, ever since naman kasi, handa na ako.

“Nai-prepare ko na ang sarili ko na, eventually, Alyssa will get married.  

“Kasi, siya na lang ang kasama ko sa house.  

“Si Alfonso, he’s with my mother-in-law.”

Si Alfonso raw ang nagbabantay sa lola nitong si Amalia Fuentes, na nagre-recover pa mula nang ma-stroke noong 2015.

Kahit may dalawa siyang teleserye sa Kapamilya network, ang The Good Son at Bagani, magbabakasyon si Albert nanng matagal-tagal sa unang pagkakataon mula nang mamatay si Liezl.

Pupunta ang aktor sa California upang bisitahin ang kanyang unang apo, si Adalynn Riley Macam, na makikita niya sa unang pagkakataon.

Isang buwan at kalahati raw siyang mananatili roon.

Doon na rin magdiriwang si Albert ng kanyang ika-57 kaarawan sa April 19.

Ayon kay Albert, “Ang birthday ko, sa set palagi. Never pa akong nag-birthay sa bahay.”

Kung may regret daw siya, na-miss niya ang ilang moments sa buhay ng kanyang mga anak.  

Si Liezl daw ang sumasalo noon kapag wala siya.

Kaya ngayon daw, sisiguraduhin niyang makasama ang mga anak sa special moments ng mga ito.

“I’ll make sure that I’ll be there,” pakli ni Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN