Pia Wurtzbach certifies loyalty to Kapamilya network: "ABS-CBN will always be there."

IMAGE Nerisa Almo

Pia Wurtzbach recalls moment when she was mistakenly called Miss Universe first runner-up in 2015, "I remember vividly as I was walking by, ang naisip ko talaga, 'Siguro naman puwede na akong bumalik sa ABS nito, di ba?'"


“I'm so glad that I stuck with ABS-CBN.”

Ito ang naging pahayag ni Pia Wurtzbach tungkol sa pagkakaroon niya ng pelikula kung saan siya ang lead actress—ang My Perfect You.

Halos 16 years din ang hinintay ni Pia bago makamit ang isa sa mga pangarap niya sa buhay.

“I am so glad that I am finally having my moment with showbiz here at ABS.

"Parang finally I'm able to do what I've always wanted since I was a kid,” saad niya sa ginanap na blog conference ng pelikula nila ni Gerald Anderson noong Linggo, March 11.

Bago pa man maging Miss Universe, lumabas na si Pia sa ilang pelikula at teleserye bilang supporting actor.

Pero hindi niya inakalang mabibigyan siya ng oportunidad gaya nito.

“I'm just grateful.

"Tuwing nakikita ko yung poster, yung billboard, talagang sabi ko, 'Guys, I never thought that I would see myself up there.'

“I never thought that I'd see myself sa office ng Star Cinema na may malaking poster!” natatawang sabi ng 28-year-old Kapamilya actress.

Saad pa ni Pia, “I'm very grateful that I was given this opportunity.

"I feel like everything is coming to full circle.

"Na parang tama lang na hindi ako sumikat pa dati.

“Tama lang naman na natalo ako sa Binibini, 'tapos nanalo ako sa Miss Universe.

"Kasi, parang lahat naman yun, everything falls into place naman.

“Now, I'm finally able to do this naman.

"Feeling ko nga, bagong launch ako ng bagets na artista.

“Parang kasabay ko yung Star Magic Batch 18, parang I'm one of them.”

Si Pia ay ipinakilala bilang bahagi ng Star Circle Batch 11 noong 2002.

Kumusta na si @piawurtzbach ngayon bilang aktres? #MyPerfectYou

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SOLID KAPAMILYA. Base sa mga naging sagot ni Pia, masasabing loyal talaga siyang Kapamilya.

Sa katunayan, nang balikan niya ang moment kung saan inakala niyang bigo siya sa Miss Universe 2015, isa sa mga nauna niyang naisip ay ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Laging naiisip ko, balik kaya ako sa ABS. Parang ABS will always be there.

"I can always go back, yung confidence ko talaga na babalik ako sa ABS...

“I even remember, nung tinawag akong first runner-up, akala ko first runner-up na ako, si Colombia na-crown na.

“Noong naglalakad na ako papunta sa likod, may bouquet na ako ng flowers, nasa likod na ako.

"I remember vividly as I was walking by, ang naisip ko talaga, 'Siguro naman puwede na akong bumalik sa ABS nito, di ba?

“'First runner-up naman. Okay na 'to, malapit na, e,' sabi ko.

“ABS talaga ang una kong naisip, talagang mag-aartista ako after nito. Nakita na nila ako sa TV ulit.

“Parang, 'Payat na ako. Pasok na.' Parang yun talaga ang naiisip ko.

“'Tapos biglang winner pala. Sabi ko, 'Ah okay, one more year.'”

Kahit noong reigning Miss Universe siya, hindi pa rin daw nawawala kay Pia ang pagiging Kapamilya niya.

Kuwento ng Pinay beauty queen, “Kahit naman noong Miss Universe ako, nanonood pa rin ako ng TFC.

"Nag-request pa nga ako dun sa room ko, sa Miss Universe apartment.

"'Can you, guys, subscribe me in TFC so I can watch ganyan.'

“Kung ano ang gusto, ibinibigay naman nila, yun ang gusto ko, e.

“I remember... ito naaalala ko, umiiyak ako, nanonood ako ng One More Chance sa eroplano [pabalik ng Pilipinas].

"Miss U na ako, katabi ko si Esther [Swan, Miss Universe manager].

“Umiiyak akong ganyan. Sabi ko, 'Grabe, iba pa rin pala dito sa Pilipinas.' Iba yung hugot.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN