Albert Martinez unaware of issue between The Good Son co-stars John Estrada and Mylene Dizon

IMAGE Noel Orsal

Albert Martinez on getting involved in controversies: "Kung mangyari sa akin yun ngayon, gusto ko na lang i-enjoy ang moment ko as an actor, wala nang intriga. Kumbaga, pass na kami diyan. Kumbaga, sa inyo na 'yan."


Hindi raw aware si Albert Martinez na may naganap na kumprontasyon sa pagitan ng co-stars niya sa The Good Son na sina John Estrada at Mylene Dizon.

Nitong mga nakalipas na linggo ay naging laman ng balita ang diumano’y pananampal ni Mylene kay John sa set ng ABS-CBN prime time series dahil sa tila pambabastos ng aktor sa aktres.

Napag-alaman naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bago pa magtapos ang 2017 nangyari ang insidente, ngunit ngayon lamang ito lumabas.


Stories We Are Tracking

John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek

Clueless si Albert na may ganun palang nangyari sa kinabibilangang teleserye.

“Wala ako, nasa shoot ako ng La Luna Sangre nun, e,” sabi ng aktor nang makausap namin sa Via Mare Restaurant, sa Quezon City, noong March 12.

Dugtong pa niya, “Actually, nalaman ko lang yun a week after.

“Nabasa ko lang dun sa feed sa phone ko.”

Wala raw siyang alam kung ano talaga ang naganap. Nagpakuwento pa nga siya sa press kung ano ang isyu.  

Nagulat ba siya nang malaman ang balita tungkol sa dalawa?

Tugon ni Albert, “Well, I wasn’t sure about what happened. Hindi ko naman vinerify rin.”

Kung nagkataong nandoon siya sa taping at may ganun ngang pangyayari, ano ang posibleng maging reaksiyon niya?

“Mahirap kasi kapag lalaki at babae ang nag-away, hindi mo alam ang root.

“Mahirap kasing makialam sa mga ganyan.

“At saka sa set naman kasi, may pulis. 

“Ang pulis diyan, yung director at saka yung producer.

“Mahirap kang manghimasok sa ganyang territory.”

Sa parte naman ni Albert, wala raw siyang napansing may isyu o problema sa pagitan nina John at Mylene.

Aniya, “Lahat ng scenes ko, either with Mylene or with John, but not with them together.”

GOOD IMAGE. Kumpara sa ibang mga artista, nananatiling maganda ang imahe ni Albert bilang isang aktor. 

Maliban sa mga patutsada sa kanya ng mother-in-law na si Amalia Fuentes, walang malaking isyu o eskandalo na kinasangkutan si Albert mula nang maging Regal baby siya noong dekada ‘80.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Boring lang!” natawang pakli ni Albert, na 37 years na sa industriya.

Dagdag pa niya, “Kung mangyari sa akin yun ngayon, gusto ko na lang i-enjoy ang moment ko as an actor, wala nang intriga.

“Kumbaga, pass na kami diyan. Kumbaga, sa inyo na ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN