Glaiza de Castro defends Angelica Panganiban's 'hugot' on ex: "Kayo rin naman napagdaanan niyo rin."

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro thinks it's an injustice that her close friend Angelica Panganiban is getting bashed for expressing her thoughts on feelings about her ex-boyfriends on social media. Glaiza addressed the netizens, "Relax lang kayo guys. Kayo rin naman napagdaanan niyo rin [yun.]"


Ipinagtanggol ni Glaiza de Castro ang kaibigang si Angelica Panganiban sa pamba-bash na natanggap ng Kapamilya actress dahil sa mga “hugot” nito sa hindi pinangalanang ex-boyfriend.

Ayon kay Glaiza, “Para sa akin, si Adele [British singer] nga, nakapaggawa ng mga kanta sa heartbreak niya.

“Bakit hindi natin suportahan ang isang tao na nagsi-share lang naman ng mga hinaing niya, mga pinagdaanan niya?

“And hopefully, maka-relate ang mga tao na dumaraan din sa ganun na, 'Ay, siya rin pala, nae-experience niya ang heartbreak.

"'Siya rin pala nalulungkot kahit na gaano siya ka-successful, kahit gaano siya kasikat, na-experience niya rin pala ang malungkot.'

“So, it makes her human. It makes her relatable.”

Patuloy ng Kapuso actress, “Para sa akin, ang social media, gateway siya ng kung ano ang puwedeng sabihin.

"Pero sana rin, matutunan natin na rumespeto.

“Kung meron ka man hindi magandang sasabihin o hindi magandang nakikita, sabihin mo sa maayos na paraan.

“Katulad ng sinabi ko, sa pag-experience mo ng injustice, yung nangyayari sa kanyang pangba-bash, injustice yun.

“Kasi, hindi naman mali yung ginawa niya. Para sa akin, normal yun.

“So, sana ang mga tao, maging aware din sila sa kung ano ang sasabihin nila, magkakaroon ng malaking-malaking epekto yun.

“Kung hindi man sa artista, sa tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa grand launch ng kanyang bagong pinagbibidahang teleserye sa GMA Network, ang Contessa, noong March 5.


Stories We Are Tracking

Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"
Angelica Panganiban reveals more hugot against ex-boyfriend
Angelica Panganiban reveals more hugot against ex-boyfriend
Angelica on her hugot lines:
Angelica on her hugot lines: "Freedom ko yun."

DEFENDING A FRIEND. Sa Contessa, na mapapanood simula sa March 19, ang karakter niyang si Bea ay makikita kung paano inapi at pinahirapan, at kung paano dumating sa puntong kinailangan niyang ipagtanggol at ipaghiganti ang sarili.

Sa totoong buhay, hanggang saan niya kayang ipagtanggol ang isang kaibigan?

Tugon ni Glaiza, “Ako, parang sa pagtatanggol, wala naman sigurong limit.

“Pero kapag napi-feel mo na nakakasakit ka, yun ang, teka lang. Basta sa tamang paraan na kaya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katulad nito, ang pagsasalita ko in behalf of her, I’m already... parang pinagtatanggol ko na rin siya.

“Pero lahat, kahit sa kaibigan, kapatid, magulang, lahat ng mga mahal ko sa buhay, hindi ako matatakot na magsalita at ipagtanggol sila kung sa tingin ko tama yun na gawin, gagawin ko yun.”

Dagdag niya, “Ipinagtatanggol ko siya sa mga humuhusga sa kanya.

“Pero wala akong sasabihing masama sa mga ex niya or sa mga taong naging karelasyon niya.

“Pero sa mga taong sa tingin sa kanya ay nag-iinarte siya, relax lang kayo guys.

“Kayo rin naman napagdaanan niyo rin [yun].”

Sigurado rin naman daw si Glaiza na anuman ang mangyari, nandiyan si Angelica sa kanyang tabi at siguradong hindi siya iiwan bilang isang kaibigan.

“Hindi ako aware sa kung gaano niya 'ko ipagtatanggol.

“But knowing her, hindi rin siya papayag kung may mag-aagrabyado [sa akin].

“Katulad nung isang beses na nag-text ako sa kanya na nalulungkot ako.

“Sabi niya, 'Sabihan mo lang kami kung kailangan naming pumunta riyan.'

“Ganun siguro yung klase ng friendship na nabuo sa amin dahil mga bata pa lang kami, kilala na namin ang isa’t isa.

“Parang pulsuhan na lang kami.

“Hindi na namin kailangang sumulat ng nobela para lang ma-appreciate namin ang isa’t isa.

“Parang sa akin, mutual yung kapag kailangan mo 'ko, nandiyan ako.”

IS ANGELICA HAPPY? Masaya na ba ngayon si Angelica pagdating sa love life nito?

Tugon ni Glaiza, “Hindi ko malalaman yun at hindi ako makakapagsalita para sa kanya.

“Basta ang masasabi ko lang, masaya siya ngayon at masaya ako para sa kanya.” 

Aminado naman si Glaiza na isa siya sa mga kaibigan ni Angelica na nagbibigay ng mga payo at motivation dito.

“Oo, siguro,” sambit niya.

“Siguro tinayming lang din na nagkaroon kami ng time na makapag-bonding, makapagkuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At masaya ako na naging source ako ng happiness niya for a while.”

Ano ang naging payo niya kay Angelica noong panahong dumadaan ito sa isang malungkot sa sandali sa kanyang buhay?

Ayon kay Glaiza, “Nag-uusap kami.

“Hindi lang ako ang palaging nagbibigay sa kanya ng encouragement.

"Siya rin, nagbibigay ng encouragement sa akin.

“Masasabi ko na ang pinaka-importanteng nagawa ko is just to be with her, just to listen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN