Basketball star Ricci Rivero speaks up on drug use and gay benefactor rumors

IMAGE Courtesy of Jerome Ascano / SPIN.ph

Ricci Rivero says he doesn't let the negative issue surrounding his leave of absence from the DLSU Basketball Team affect him. He said, "Hindi ko na lang inisip yung negative thing. Basta I know naman I did the right thing lang."


Naka-leave of absence ang De La Salle University Men's Basketball Team players na si Ricci Rivero, kapatid nitong si Prince, at si Brent Paraiso.

Ito ay kaugnay sa bagong policy na inilabas ng management ng kanilang team na nagbabawal sa mga player na tumanggap ng endorsements at commercial sponsorships.

Dahil dito ay lumitaw ang kabi-kabilang intriga tungkol kay Ricci.

Isa na rito ang tungkol sa paggamit diumano niya ng illegal drugs. 

Upang linisin ang kanyang pangalan, kusang nagpa-drug test si Ricci at ipinost niya sa Twitter ang negatibong resulta nito.

Kasabay nito ay ang paglabas niya ng statement kung saan ipinahayag ng basketball player ang saloobin tungkol sa isyu.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ricci sa Shoot Me Baby, The Challege Roadshow, na ginanap sa San Juan Gym noong Linggo, March 11.

Dito ay nagbigay ng pahayag si Ricci kung bakit nagdesisyon siyang sumailalim sa drug test at i-post ito sa social media.

Saad ng basketball star, “Actually, it’s been in social media na rin, pero yun nga, I just want to clarify.

“Nagpa-drug test ako, nandun naman yung result, and siguro na-clear naman yung mind ng lahat na I’m negative about that issue.

"As of now, yun pa lang."

Nasaktan ba siya sa isyung inuugnay siya sa paggamit ng illegal drugs, na isa sa mahigpit na ipinagbabawal sa kahit na sinong atleta?

Sagot ni Ricci, “Hindi naman literally na sobrang ano, kasi hindi ko na lang inisip yung negative thing.

“Basta I know naman I did the right thing lang.

“I didn’t do naman yung mga sinasabi nila sa akin na which I did daw.

“Ayun, prayers lang siguro for me and my family.”

Nagpa-drug test na rin si Brent Paraiso at lumabas ding negatibo ito sa paggamit ng droga.

Ayon kay Ricci, wala pa silang natatanggap na feedback o sagot mula sa pamunuan ng La Salle kaugnay ng resulta ng kanilang drug tests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON A BREAK. Nilinaw rin ni Ricci na walang isyu sa pansamantala nilang namamahinga sa paglalaro sa DLSU Green Archers.

“Actually, wala pa namang issue na wala ako sa UAAP.

“Parang wala namang nasabing ganun, literally, ang management.

“Yun lang, as of now, I’m on leave sa team, kasi dun nga sa endorsement issue.

“May bagong rule na parang yung players can’t endorse anything, any brand.

“Nag-sign ako [ng endorsement] before pa, like, last year.

"Mayroong early January, then sinabi nila late January na."

GAY BENEFACTOR? Sinagot din ni Ricci ang usap-usapang may gay benefactor daw siya, na kadalasang ikinakabit sa mga katulad niyang basketball player.

Sabi niya tungkol dito, “Mayroong naririnig ako, pero parang hindi rin naman nag-matter kasi di naman totoo."

Bagamat hindi siya nagpapaapekto sa bashers, bukas daw siya sa mga puna ng iba dahil baka nga minsan ay may punto rin ang sinasabi ng mga ito.

“Ako kasi yung type of person na kung may sasabihin ka sa akin or behind my back, which I know na hindi ko naman talaga ginawa, parang deadma lang talaga.

“Kasi, I know na wala naman talagang ganung nangyari. God knows what’s best for me.”

Patuloy niya, “Sa mga negative issues wala, deadma talaga.

“I mean, since may nasasabi sila, baka may mali din akong nagagawa.

“Siyempre pag binasa mo yun, 'tapos feel mo naman na may point or what, siyempre kailangang baguhin mo rin yun.

“Pero di ka magre-react [na] the fact na ginawa nila yun, kailangang magagalit ka sa kanila or what."

IS HE OPEN TO SHOWBIZ? Marami ang nagsasabing artistahin si Ricci at puwedeng-puwede siyang pumasok sa showbiz.

Interesado ba siyang mag-showbiz?

Sagot niya, “Sa ngayon, wala pa, depende.

“May mga offers, but as of now, open naman ako dun sa mga opportunities.

"Pero focus muna ako, as of now, Gilas muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As of now, yun lang ang mayroon ako, so dun muna ako magpo-focus.

“Happy, sobra, kasi para ito sa country and lahat ng athletes, dream nila mag-represent ng country.”

Nang tanungin naman kung sino ang mga crush niya sa showbiz, binanggit niya ang mga pangalan nina Claudia Barretto at Kathryn Bernardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN