Albert Martinez opens up about past romance with Sharon Cuneta

IMAGE Noel Orsal

Hindi man natuloy ang pagsasama nina Albert Martinez at Sharon Cuneta sa unang pelikula ng aktres na Dear Heart, naging girlfriend pa rin ng aktor ang Megastar sa loob ng mahigit isang taon.


Kinumpirma ni Albert Martinez na naging girlfriend niya si Sharon Cuneta noong teenager pa lang sila.

Maituturing daw na “puppy love” ang relasyon nila dahil 14 years old lang noon si Sharon, at 17 naman si Albert.

Siya raw ang unang naging boyfriend ng Megastar sa showbiz.

Kuwento ng 56-year-old actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa showbiz, ako ang una.

“I met her sa GMA Supershow and that was the time na ‘Mr. DJ’ song.

“‘Tapos, we were offered to do yung first movie nila ni Gabby [Concepcion], yung Dear Heart [1981].

“Kaya lang, hindi ako pinayagan ni Mother Lily, ibinigay sa akin yung Bata Pa Si Sabel [1981].

“Nagpalit kami ni Gabby, kasi dapat siya ang partner ni Snooky [Serna].

“While nasa Vigan ako, ginagawa niya ang Dear Heart

“Naging girlfriend na niya [Gabby] si Sharon, naging girlfriend ko si Snooky.”

Tumagal din daw ng isang taong ang naging relasyon nina Albert at Sharon.

Wala raw overlapping sa mga naging relasyon nila.

Nagkatuluyan sina Sharon at Gabby. 

Ikinasal sila noong 1984, ngunit nagkahiwalay rin sila noong 1987.

Opisyal na na-nullify ang kanilang kasal noong 1994.

Si Albert naman ay napangasawa si Liezl Sumilang, nag-iisang anak ng mga batikang artista na sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez.

Sumakabilang-buhay si Liezl dahil sa cancer noong March 14, 2015.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son
Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN