LJ Reyes to Paolo Contis: "I couldn't imagine anybody else beside me but you!"

IMAGE Instagram

LJ Reyes on boyfriend Paolo Contis: "We are and never will be perfect, but I couldn't imagine anybody else beside me but you!"


Mensahe ng pasasalamat at pagmamahal ang nilalaman ng birthday message ni LJ Reyes para sa boyfriend na si Paolo Contis.

Nagdiwang ng kanyang 34th birthday ang Kapuso actor nitong Miyerkules, March 14.

“Thank you for being the strength that I didn’t know I needed!

"Thank you for the patience that you have consistently (which sometimes I look over) exemplified amidst my stubbornness (at times)!” bahagi ng caption ni LJ sa kanyang Instagram post para kay Paolo.

Pinasalamatan din ng 30-year-old Kapuso actress ang boyfriend dahil sa pag-aalaga nito sa kanya at kay Aki, anak ni LJ sa dating nobyong si Paulo Avelino.

“Thank you for taking so much care of me and Aki right when I thought I could do without anybody else in our life.”

Pakiusap pa ni LJ kay Paolo, manatili ito sa kanyang buhay kahit maging mahirap ang sitwasyon.

“Life never gets easy, and I just want you to know that I want you to be there even when it gets tougher.

“We are and never will be perfect, but I couldn’t imagine anybody else beside me but you!”

Pangako pa niya kay Paolo, “I will just be right here beside you, looking at you. Waiting if you need my hand to hold.

“Thanks for being my best friend throughout the past years and I know that you will always be! Happy birthday love @paolo_contis! I love you! (From the deepest bottom of my heart!)”

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Sa comments section, sumagot si Paolo at sinabi nito kay LJ na ginagawa niya ang lahat upang maging proud ang aktres sa kanya.

Dagdag pa niya, mahal niya ang aktres at ang anak nitong si Aki.

Sagot ni LJ, proud sila ni Aki sa aktor.

Unang nagsalita si Paolo tungkol sa magandang relasyon nila ni LJ noong 2016.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN