Rolly Quizon, actor and son of Dolphy, dies

IMAGE Noel Orsal

Rolly Quizon, former John En Marsha star and son of Comedy King Dolphy, passed away Thursday afternoon, March 15.


Sumakabilang-buhay na ang former actor na si Rolly Quizon, anak ng Comedy King na si Dolphy, sa Capitol Medical Center ngayong Huwebes ng hapon, March 15.

Nahilo at natumba si Rolly sa isang supermarket sa Quezon City noong Biyernes, March 9, dahil sa stroke.

Isinugod siya sa Capitol Medical Center at sumailalim sa surgery noong Sabado, March 10, pero hindi na nagkaroon ng malay.

At press time, nasa ospital pa rin ang mga labi ni Rolly at inaayos ng kanyang naulilang pamilya ang lugar na pagbuburulan sa kanya.

Ang pagpanaw ni Rolly ang ikalawang dagok sa pamilya niya dahil kamamatay lamang ng kanyang US-based half-brother na si Dino Quizon.

Fourteen years old si Rolly nang magsimula ang showbiz career niya noong 1973 sa sitcom na John En Marsha, na pinagbidahan ng kanyang ama na si Dolphy at ni Nida Blanca.

Gumanap na kapatid niya rito ang Diamond Star na si Maricel Soriano.


Nanalong Best Actor si Rolly sa 1977 Metro Manila Film Festival dahil sa performance niya sa Burlesk Queen, na pinagbidahan naman ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.



Stories We Are Tracking

Rolly Quizon suffers stroke, comatose in hospital
Rolly Quizon suffers stroke, comatose in hospital
Dolphy's son Dino Quizon dies at 45
Dolphy's son Dino Quizon dies at 45


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN