Bianca Umali ready for mature, but not daring roles now that she's 18

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali says that while she's ready to accept more mature and challenging roles now that she's 18, there are still limitations. For one, she's still won't do a love scene. She told PEP, "I'm open to seeing kung ano po ang project na gusto nilang ibigay sa akin."


Noong March 2 ang totoong 18th birthday ng Kapuso star na si Bianca Umali.

Pero bukas, March 17, ang grand celebration ng kanyang debut na gaganapin sa EDSA Shangri-La Hotel sa Quezon City.

Handa na raw sa mas challenging roles si Bianca ngayong 18 na siya, ngunit hindi kasama rito ang pagpapaseksi.

Pahayag ng Kambal Karibal actress, “Hindi po ako magpapa-sexy.

“Marami pa po, e, marami po akong bagay na gagawin, pero nasa lugar pa rin po.”

Nilinaw ni Bianca na hindi dahil nag-post siya ng bikini photo sa Instagram ay handa na siyang maging daring. 

“Hindi po ganun ang intention ko sa post na yun.

“That photo was just a regular picture, usual... di ba po tayo, kapag nagpa-picture tayo ay ipu-post natin agad?

“Ganun. Hindi ko siya intention na 'Ipu-post ko ‘to kasi 18 na 'ko,' hindi po.

“I just posted it kasi maganda ang photo,” paliwanag niya.

Kuwento ni Bianca, maging ang mga kaibigan niyang tulad ni Bea Binene ay hiniritan siyang porke’t 18 years old na siya ay nagpu-pose na siya nang ganoon.

“Natawa lang po ako, kasi funny lang. Kahit naman po sila, they used to see me like that.

“Yun lang po talaga yun, it’s not something else na magpapa-sexy na 'ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa pocket presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Artist Center sa GMA Network Center noong March 10.

Ito ay para sa kanyang #SimplyBianca debut party.

NO PRESSURE. Kahit sinasabi ni Bianca na hindi siya magpapa-sexy, wala raw siyang nararamdamang anumang pressure kung sakaling bigyan na siya ng mature roles.

Ayon sa dalaga, “May limitasyon pa rin po.

“Alam po nilang lahat and they ask me before I do things like that.

“At saka, nagsasalita naman po ako kapag ayokong gawin.”

Patuloy niya, “But as long as kaya ko, wala naman pong problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi po ako napi-pressure.

“I’m open to seeing kung ano po ang project na gusto nilang ibigay sa akin.

“Open po akong tanggapin as long as hindi po siya lalabag sa limitasyon ko sa sarili ko.”

Ano nga ba yung mga limitasyon na yun?

“For example po, love scene, ayoko pa rin po siyang gawin.

“Lahat pa rin po, dadaan sa lola ko. As long as she said no, yun na po yun.”

OPEN TO SUITORS? Pagdating sa mga lalaki, natawa si Bianca nang tanungin kung open na siya sa mga manliligaw ngayon.

Madalas niya kasing sabihing hindi pa siya nagpapaligaw.

Sagot niya, “Hindi ko po alam, darating naman po siguro yun.

“Mararamdaman ko rin naman po siguro kung ready na ako.

“Ngayon, hindi ko po alam, wala naman po talaga.”

Sila ni Miguel Tanfelix, ano nga ba ang meron sila?

“Kung paano po kami, kung ano po ang nakikita niyo,” tugon ni Bianca.

Walang mababago sa relasyon nila ngayong nasa legal na edad na siya?

“Hindi ko rin po alam, pero sa 18 years ko, wala po akong alam.

“Wala po akong ini-expect, wala po akong pinaplano. Kung ano lang po ang mangyari sa buhay ko na 18 ako, yun po ang mangyayari."

Patuloy niya, “Hindi po ako nagpaplano.

"Kinakabahan ako at nae-excite kung ano ang mangyayari sa akin ngayong 18 years old na ako.”

Kung mayroon man daw siyang gustong mangyari ngayon, ito ay ang self-improvement sa lahat ng aspeto ng buhay niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN