Liza Soberano defends Bagani co-star Sofia Andres: "She's very shy."

IMAGE Nerisa Almo

"I think the misconception with Sofia kasi is she's very shy," says Liza Soberano (in blue T-shirt) about her Bagani co-actress Sofia Andres (in violet T-shirt), whose behavior was recently questioned by some entertainment bloggers. With them in this photo are (L-R) Matteo Guidicelli, Enrique Gil, and Makisig Morales.


Sa palagay ni Liza Soberano, misunderstood lang ang kanyang Bagani co-star na si Sofia Andres.

Naging laman ng balita si Sofia matapos mag-react ang ilang bloggers sa kanyang Twitter post na, “Too tired to be too nice.”

Inalmahan ito ng ilang entertainment bloggers dahil umano sa hindi magandang asal na ipinakita ng 19-year-old Kapamilya actress noong mga nakaraang blog conference na dinaluhan nila.

Agad namang humingi ng paumanhin si Sofia tungkol dito.

Paliwanag niya, minsan ay nagiging defense mechanism niya ang pagiging matapang dahil takot siyang makaramdam ng rejection.

“My defense mechanism is to always act, like, ‘I am a strong woman and you can’t bring me down.’

“But the truth is I have no self-confidence, I have insecurities, yes I do,” sabi ni Sofia sa Instagram Story na ipinost niya noong nakaraang linggo.


Stories We Are Tracking

Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Sofia Andres apologizes for her behavior towards bloggers
Sofia Andres explains bad behavior during interview
Sofia Andres explains bad behavior during interview

Tila sang-ayon dito si Liza nang mapunta ang usapan kay Sofia sa thanksgiving press conference ng Bagani sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong Huwebes, March 15.

Sa palagay ni Liza, iba ang nagiging interpretasyon ng ilang tao sa pagiging sobrang mahiyain ni Sofia.

Sabi niya, “I think, the misconception with Sofia kasi is she's very shy.

“Like, even in our set, we play together, a lot of us.

“Pero siya, nahihiya siya, sa corner lang siya.

"Parang kami, we really have to grab her to play with us.

“I think siguro her upbringing in her house.”

Sabay tanong si Liza kay Sofia, “Di ba, you're the middle child?”

Pabiro namang humirit ang kapareha niyang si Enrique Gil, “Ako, middle child din ako.”

Patuloy na depensa ni Liza, “But no, yun nga, mahiyain.

"She's a female, Quen. We have emotions.”

Sa puntong ito ay sabay-sabay na napa-react ang mga tao sa loob ng Dolphy Theater sa sinabi ni Liza.

Bago pa man mabigyan ng ibang kulay ang kanyang pahayag, agad na nilinaw ni Liza, “I'm not saying that you guys don't have emotions, but we're emotional creatures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don't say that guys don't have emotions, ha.

“I'm just saying that as females, especially at that time of the month, you know.”

NOT A PROBLEM CHILD. Samantala, wala naman daw naranasang problema kay Sofia ang mga direktor ng Bagani na sina Richard Arellano at Lester Pimentel.

Patay-malisya pang sabi ni Direk Richard, “May isyu ba?”

Pero seryoso niyang dagdag, “Parang anak lang na tinuturuan mo nang tamang bagay. Cooperative naman si Sofia.”

Dagdag naman ni Direk Lester, “Kapag tinitingnan mo si Sofia, kapag tinitingnan mo siya, mahinhin.

“Pero kapag nasa take na o nasa shoot, she does everything.

“So far, we didn't use any double for her.

"Kahit na gaano kahirap, gaano kapagod, she never says no, very, very professional."

Sa parte ni Sofia, wala naman daw siyang naging isyu sa mga kasamahan niya sa set ng Bagani.

Magiliw pa niyang sabi, “Napakabait po nila. Napakagaan, hindi po ako nahirapan sa kanila.

“Kumbaga, parang pamilya naman kaming lahat dito. Hindi naman kami nagkakailangan lahat.

“Yun naman ang importante kapag gumagawa ng isang project, parang pamilya yung turingan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN