Bagani talents involved in vehicular accident at NLEX

"They're all fine now. They were sent home. Tsine-check po ng ABS-CBN ang kanilang kalagayan until now and in the succeeding days," Mico del Rosario, advertising and promotions manager of Star Creatives, said about the talents of Bagani involved in a vehicular accident at NLEX.


Kinumpirma ng Star Creatives ang nangyaring aksidente sa sinasakyang jeep ng ilang talents ng ABS-CBN prime time series na Bagani kahapon, March 14.

Sa thanksgiving press conference ng Bagani ngayong Huwebes, March 15, kinumpirma ni Mico del Rosario, advertising and promotions manager ng Star Creatives, na mga talent ng Bagani ang lulan ng jeepney na tumaob sa North Luzon Expressway kahapon.

Lahad niya, “Unfortunately, yesterday, there was an accident in NLEX.

“Yung sinasakyan pong jeep nung talents, there were 19 of them, medyo nagkaroon ng problem yung makina, so tumaob po.” 

Ngunit wala naman daw dapat ikabahala dahil agad na naisugod sa ospital ang mga biktima.

Pahayag ni Del Rosario, “Ang kagandahan po ay wala naman pong major injuries.

"Dinala po silang lahat sa ospital para ma-check.

“They're all fine now. They were sent home.

“Tsine-check po ng ABS-CBN ang kanilang kalagayan until now and in the succeeding days.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN