Liza Soberano accidentally admits status of relationship with Enrique Gil

IMAGE Instagram photo of Liza Soberano

Enrique Gil confesses about Liza Soberano, "Para sa akin, siya lang talaga yung babaeng mahal ko. Siya lang."


Muntik nang madulas si Liza Soberano tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Enrique Gil.

Sa thanksgiving press conference ng Bagani ngayong araw, March 15, tinanong ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe ang lead actors ng teleserye kung "taken" na sila.

“O...” sagot ni Liza, pero agad na pinigilan ang sarili.

Napuno ng hiyawan ang buong Dolphy Theater, habang si Liza ay halos hindi mapakali sa kanyang upuan dahil sa naging sagot niya.

Habang natatawa sa sarili, sinubukan pang magpalusot ng 19-year-old actress.

Sabi niya, “Kami po ni Sofia, mga bata pa po kami. Underage pa po kami.”

Hirit naman ni MJ sa kanya, “No, Liza, we heard the first letter. The first letter is 'o.'”

Palusot muli ni Liza, “Oh no!” Sabay lingon siya sa kanyang co-star na si Sofia.

Muling tinanong ni MJ ang leading man ni Liza na si Enrique, “So, taken na ba lahat ng mga Bagani?”

Lumingon muna si Enrique sa kanyang co-actors na sina Matteo Guidicelli at Makisig Morales, at saka sumagot ang binatang aktor ng, “Yes!”

Sa puntong ito, natawa si Sofia at kinalabit si Enrique na tila may ibinulong.

Pagkatapos ay binago ni Enrique ang kanyang sagot, “Ay, may isa pa lang hindi.”

ONLY LIZA. Sa hiwalay na panayam kina Liza at Enrique matapos ang presscon proper, muli silang natanong kung taken na ang mga bagani.

Sabi ni Enrique, “Para sa akin, taken na.”

Para naman kay Liza, “Exclusive.”

Nang tanungin kung kailan pa, napapangiting sagot ni Liza, “Huh? Wala pang date... kaming sinusunod.”

Pagdating sa paglalarawan ng kanilang relasyon, consistent si Enrique sa pagsasabing, “Para sa akin, siya lang talaga yung babaeng mahal ko. Siya lang.”

Sabi naman ni Liza, “For me, Quen is the perfect guy.

"He is someone who is always there and who will always be there for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon daw ay mas bukas na silang pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa.

Sabi ni Liza, “Nagma-mature na po kami. Wow!”

Dagdag ni Enrique, “I think we're just really happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN