Jake Zyrus goes topless at the beach

IMAGE Instagram photo of Jake Zyrus

Jake Zyrus recalls moment after his top surgery: "Umiyak ako! Kasi, pagkagising ko, 'Flat na siya!'"


Tila mas confident na ngayon si Jake Zyrus sa kanyang katawan.

Isang patunay nito ay ang pagpu-post ng trans man singer ng kanyang topless photo sa Instagram noong March 14.

Ang kanyang larawan ay kuha mula sa Anguib Beach sa Sta. Ana, Cagayan.

Sabi ni Jake Zyrus sa caption, “Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha!”

Inamin ni Jake Zyrus—unang nakilala bilang Charice Pempengco— na nagpa-top surgery siya noong March 29, 2017.

Ito rin daw ang petsa kung kailan isinilang ang kanyang bagong pagkatao.

Nang makakuwentuhan ng PEP.ph si Jake Zyrus sa press conference para sa concert niya noong nakaraang taon, ikinuwento niya ang eksaktong naramdaman noong nagpa-top surgery siya.

“Bago ako maoperahan, kumakanta daw ako. Talaga daw kumakanta ako.

“Ang kinakanta ko raw yung kay Lady Gaga, 'I'm beautiful in my own way...'

“Sabi ko, 'Tingnan mo, kahit tulog ako, alam ko yung kanta na bagay sa akin.'

“Tawa sila nang tawa.”

Ang kantang tinutukoy ng 25-year-old singer ay ang hit song ni Lady Gaga na “Born This Way.”

Nang matapos ang surgery, pagkagising daw ni Jake Zyrus, “Umiyak ako! Kasi, pagkagising ko, 'Flat na siya!'

“Talagang umiyak ako, 'tapos sinurprise nila ako ng cake, 'tapos kinantahan nila ako kunwari ng 'Happy Birthday.' Nakakatuwa.

“I remember apat na doctor ang gumawa. Nakatayo lang ako, talagang tinitingnan nila...”

Ayon kay Jake Zyrus, ang top surgery na ginawa raw sa kanya ay bagay para sa plano niyang magpalaki ng katawan.

“The way na binuild nila yung dibdib ko is... Kasi po, di ba, yung iba may sugat dito, ganyan.

“Sa akin po, sa nipple para hindi halata.

“Ang ginawa po nila is, halimbawa, nag-gym ako, ang ganda nung build ng chest.

“Ang galing kasi, yung care, talagang pinag-isipan, talagang dapat okay 'yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa top surgery, inamin din ni Jake Zyrus na nagte-take siya ng testosterone hormones para mas lumalim ang kanyang boses at mas lumabas ang panlalaking kaanyuan sa kanya.


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus open to sex change
Jake Zyrus open to sex change
Jake Zyrus:
Jake Zyrus: "I love my ugly face and my ugly body."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN