Dingdong Dantes reunites with Anne Curtis after almost two decades

IMAGE Noel Orsal

Kapuso Primetime King Dingdong Dantes on working with Kapamilya star Anne Curtis: "Nakakatuwa dahil yung nakikita ko sa TV, how jolly she is, ganun talaga siya as a person."


Masaya ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes na nabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho muli ang Kapamilya actress na si Anne Curtis.

Kamakailan ay nagtungo sina Dingdong at Anne sa Japan para mag-shoot ng ilang mga eksena ng kanilang upcoming movie, Sid and Aya (Not A Love Story).

Pahayag ng aktor tungkol sa kanyang leading lady, “Nakakatuwa dahil, siyempre, she’s a very prominent TV personality.

“We see her every day.

"Talagang parang, if you see someone every day, masasabi mo na parang kilalang-kilala mo na siya, e.

“Nakakatuwa dahil yung nakikita ko sa TV, how jolly she is, ganun talaga siya as a person.”

Si Anne ay bahagi ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Ayon pa sa 37-year-old actor-TV host, dahil sa pelikula nila, nabigyan siya ng pagkakataong mas makilala si Anne.

“We get to know a person more pag magkasama kayo sa lugar o sa isang trabaho, na hindi lang sa entablado.

"Halimbawa, itong film talaga, malaking bagay yun.

“So, I appreciate things like that.” 

REUNION AFTER TWO DECADES. Ang Sid and Aya (Not a Love Story) ang unang pagsasama nina Dingdong at Anne pagkatapos ng halos dalawang dekada.

“First [big] project sa industriya, siya una kong kasama sa casting,” banggit ni Dingdong.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa GMA-7 youth-oriented show na TGIS (1997-1999).

Hindi rin ito ang unang pelikulang pinagsamahan nina Dingdong at Anne.

“Nagkasama kami onscreen before, kapatid ko yata siya.”

Gumanap na magkapatid ang dalawa sa 1999 movie na Honey, My Love, So Sweet.

Pagkatapos ng 19 taon, silang dalawa na ang bida sa pelikula.  

“First time to work with her na yung characters namin yung involved sa isa't isa,” nangingiting sabi ni Dingdong.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 37-anyos na aktor sa rehearsal ng out-of-the-country Kapuso show na Sikat Ka, Kapuso!, nitong Huwebes, March 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DINGDONG AS A PERFORMER. Unang beses ni Dingdong sa Sikat Ka, Kapuso! event ng GMA Pinoy TV.

Makakasama niya rito sina Alden Richards, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, at Betong Sumaya.

Ang unang Kapuso event ay gaganapin sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA, sa April 7.

Sa April 8 naman ay magtatanghal sila sa Sony Centre for the Performing Arts sa Toronto, Canada.

Malaking hamon daw para kay Dingdong na mag-perform sa harap ng overseas Filipino workers sa ibang bansa.

Saad niya, “Di naman namin ia-assume na lahat nakakapanood ng projects namin.

"Kasi kami, mas madalas, teleserye.

“Itong pagkanta, pag-perform, bihira naming gawin.

“Kailangan mabigyan namin talaga ng show.

“Hindi po ako singer, pero I will try my best to perform and entertain.

"Basta ang mahalaga, ito, all coming from the heart.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN