Ara Mina on Mayor Patrick Meneses's proposal for second baby: "Bahala na. I'll think about it."

IMAGE Arniel Serato

Pag-iisipan daw muna ni Ara Mina ang hamon ni Mayor Patrick Meneses na gusto niyang magkaanak muli sa kanya. "Niloloko ko siya, sabi ko, 'Ano gusto ko baby boy?' Tumatawa lang, 'tapos ngayon siya yung nagpipresenta," kuwento ni Ara.


Hindi masyadong kumasa si Ara Mina sa hamon ni Mayor Patrick Meneses na kung sakali gusto pang magkaanak ng pulitiko ay gusto niyang sa aktres uli.

Mayroon nang isang anak sina Ara at Mayor Patrick—si Amanda Gabrielle, 3.

Mataray na pabirong sagot ni Ara, “Niloloko ko siya, sabi ko, 'Ano gusto ko baby boy?'

“Tumatawa lang, 'tapos ngayon siya yung nagpipresenta.”


Stories We Are Tracking

Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina
Patrick Meneses willing to have another baby with Ara Mina

Okay lang ba kay Ara ang proposal ni Patrick na kung gusto nitong magkaanak ulit ay sa kanya pa rin?

Tugon ng 38-year-old actress, “Well... at least, pareho tatay, 'no?

"Kasi pabata na ako nang pabata, baka hindi na ako magka-baby, 'no.”

Dagdag pa ni Ara, “Gusto ko, isa na lang, one boy.

"One girl and one boy, enough na sa akin, kasi yung isa lang, makulit na, e.”

Pero pag-iisipan daw niya ang hamon ng dating karelasyon.

“Bahala na. I'll think about it.”

Naghiwalay si Ara at ang alkalde ng Bulakan, Bulacan noong April 2015, ilang linggo lamang pagkatapos binyagan ang kanilang anak.

Diumano, si Mayor Patrick ang nakipaghiwalay kay Ara.

Ngunit kalaunan ay naging maayos na rin ang kanilang samahan alang-alang sa anak nila.

Kaya naman makikita pa ring magkasama ang dalawa at ang kanilang anak sa ilang showbiz occasions.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa first anniversary ng kanyang negosyong Hazelberry Cafe sa may Don Antonio Heights, Quezon City, kahapon, March 15.


Pagkatapos ng panayam namin kay Ara, dumating si Mayor Patrick sa venue kasama ang anak nila.

Humalik naman si Ara sa alkalde at kay Mandy.

Dumating din at nakisaya sa actress-entreprenuer ang ilang kaibigan nito sa showbiz.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN